_pang-masa
^

Pang Movies

Maine, gusto na ring magtanim ng kamatis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maine, gusto na ring magtanim ng kamatis
Maine

Nasa taping ng #MaineGoals si Maine Mendoza sa mediacon ng Buko Channel at may pasilip siya sa episode na sinu-shoot, nasa isang beach daw sila at sa sinabing nag-train sila ng dolphin, parang sa Ocean Adventure sa Subic yata ang location ng taping nila.

Sobrang nag-enjoy si Maine sa taping ng #MaineGoals dahil marami siyang nadi-discover at nalalaman. Dahil nga sa Farming episode, gusto niyang magtanim ng tomatoes, gusto niyang magkaroon ng farm. “Nagpapahanap na nga ako ng lupa sa mom ko sa Bulacan para gawing farm. I can’t wait to have a tomato plant,” sabi ni Maine.

Grateful si Maine sa APT Entertainment for producing  #MaineGoals.

Natutuwa rin siya na she can suggest ng content na mapapanood sa show kung saan, very much involved daw siya.

Nag-pilot na ito kagabi na mapapanood every Monday to Friday, 7:30pm., to 8pm.

Malaking bagay na matagal nang nakapagsimula ng taping nila na ang sabi ni Maine, parang vlog ang concept.

Ang ibig palang sabihin ng BuKo ay Buhay Komedya at ang Buko Channel ay mapapanood sa Cignal TV at SatLife channel 2. Available rin ito ng live sa Cignal Play for free until September.

Naintriga lang kami dahil isa sa shows na eere sa Buko Channel ay ang Bubble Gang ng GMA 7.

Ibig bang sabihin, may partnership din ng GMA Network sa Buko Channel ng Cignal TV?

Juancho, project manager agad nang pumasok sa corporate world

Naikuwento ni Kapuso actor Juancho Trivino na nagtrabaho rin pala siya last year, sa unang bugso ng pandemic, noong tigil ang trabaho sa entertainment industry dahil sa COVID-19.

Post ni Juancho sa Instagram: “A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic, when we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company. I actually did send out my resume to a couple of companies tht was hiring during that time. It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did. They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag tagal (but that’s another story).”

Sabi ni Juancho, ginawa niya ‘yun para sa pamilya niya, sa asawang si Joyce Pring at ang baby nilang ayaw pang ipakita ang mukha. Nag-promise si Juancho na ang continuation ng kwento niya ay kanyang gagawin sa pagbabalik niya sa Unang Hirit.

Marami ang pumuri kay Juancho sa ginawa niya at nakita raw ang importance ng may natapos dahil may fallback plan. May epal lang na nag-comment na parang unfair na Project Manager agad ang posisyon niya dahil daw siguro sa artista siya.

Anyway, nabasa namin na kasama si Juancho sa cast ng isang bagong serye ng GMA 7.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with