_pang-masa
^

Pang Movies

Paglaladlad ni Raymond, walang nag-nega!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin na ni Raymond Gutierrez sa isang interview ng isang online magazine na isa siyang bakla.

Marami ang natuwa sa ginawang pag-amin ni Raymond, dahil sabi nga niya alam naman ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang katotohanan noon pa man.

Maging ang kanyang kakambal na si Richard Gutierrez ay naglagay ng mga heart emojis sa kanyang comment.

Walang masama kung gay man si Raymond. Ang pagiging gay ay hindi isang sakit.

Noon pang 1975 sinabi na ng American Medical Journal na ang homosexuality ay hindi isang psychological disease kagaya ng paniniwala noong araw.

Hindi rin naman kasalanan ang maging gay. Kung babasahin ninyo ang Biblia, ang talagang kinondena ng Diyos ay ang kahalayan. At kagaya nga ng sinabi rin sa isang pastoral teaching ni Pope at ngayon ay Saint John Paul II, hindi lang bakla kung di maging lalaki man o babae ay makagagawa ng kasalanan ng kahalayan. Kaya nga sa kanyang sinulat na Pastoral Care for the Homosexuals, sinabi ng santo papa na hindi dapat kondenahin, kundi tanggapin at tulungan ang mga bading na maging mabuting bahagi ng simbahan.

At sino nga ba ang makakalimot sa sinabi ni Pope Francis na “who am I to judge.”

Ang masasabi namin, sa ngayon ang mas dapat nating pansinin ay ang talent ni Raymond bilang isang television at events host.

Sa hitsura niya ngayon na nasa ayos ang kanyang pangangatawan, aba ‘di hamak na mas may hitsura at mas may talent naman si Raymond kaysa sa ibang male stars natin. Ang naging problema lang naman noon kay Raymond ay tumaba siya nang husto, na ngayon inaamin niyang nangyari dahil sa depression dahil noon ay dini-discriminate siya.

Ngayon ay malaya na niyang magagawa kung ano man ang gusto niya, at tandaan ninyo, walang may pakialam ano man ang gawin niya. Sa edad naman niyang 37, hindi na siya bata, at alam niya kung ano ang tama at mali sa maaaring gawin niya.

JLC, gusto na uling ma-in love

Inaamin ni John Lloyd Cruz sa isang interview na puwedeng pagdating ng tamang panahon ay mai-in love uli siya.

Bakit nga ba hindi, eh bata pa naman si John Lloyd.

Bagama’t totoo na may anak na siya hindi naman masasabing mayroon na nga siyang pamilya.

Nakita naman natin, maski na ang kanyang career nagawa niyang talikuran nang ilang taon sa pag-asang makakabuo na siya ng isang maayos na pamilya. Pero hindi nga siya sinuwerte  sa relasyon kay Ellen Adarna.

Dating kasali sa star search, nanghihingi ng bigas kapalit ng nude video

“Padalhan mo ako ng pambili kahit ng isang sakong bigas at pang-grocery namin, may ipadadala ako sa ‘yung frontal video,” ang alok ng isang personality na nakasali sa isang talent search ng isang network ilang taon na ang nakararaan.

Kabilang siya sa unang batch ng star search ng network na napansin din noon dahil may hitsura nga siya.

Hindi niya naisip na sa panahong ito ay may edad na siya, at nagbago na rin ang kanyang hitsura kaya hindi na siya interesting sa mga nabaliw sa kanya noong araw.

Isa pa, panahon ngayon ng pandemya. Walang negosyong nabubuhay talaga, sino nga ba ang makapagbibigay sa kanya ng pambili ng isang sakong bigas at mga grocery na gusto pa niyang ipadala agad sa kanyang G Cash account?

RAYMOND GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with