^

Pang Movies

Ynez, 14 years ang tanda sa ama ng bagong anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ynez, 14 years ang tanda sa ama ng bagong anak!

Several months ago ay nagkita kami by chance ng dating sexy star na si Ynez Veneracion (41) sa Home Depot in Ortigas Center, Pasig City not knowing na four or five  months pregnant na pala siya noon sa kanyang present boyfriend na si Bryan Recto (27) who is fourteen years her junior. 

Nung nakaraang July 30 (Friday) ay isinilang niya ang kanilang unang baby na si Jianna Kyler na  second daughter na bale ng aktres dahil meron siyang older daughter na si Princess Keilah (10) sa kanyang ex-boyfriend na isang politician from the South, si Rep. Esmael Mangudadatu.

Nagkaroon din ng matagal na relasyon si Ynez sa character actor na si Mon Confiado kung kanino maganda pa rin ang samahan nila ng aktres hanggang ngayon.  Katunayan, ang panganay na anak ng aktres na si Keilah ay super close kay Mon na kanyang kinikilalang second dad.

Madalas na sinusundo ni Mon si Keila at nung ma-confine recently si Ynez para sa kanyang panganganak kay Baby Jianna ay na kay Mon si Keilah.

Samantala, kahit much younger si Bryan kay Ynez, nag-alok na rin pala ito ng kasal sa kanyang nobya pero ito’y tinanggihan ng actress hindi dahil ayaw niyang makasal kundi gusto nitong maghintay-hintay pa umano sila ng ilang taon bago sila magpakasal.

 “Ayokong magpadalus-dalos,” ani Ynez.  “Madali namang magpakasal kung pareho na kaming ready,” patuloy pa niya.

sunud-sunod na pakikiramay...

Nakakalungkot Salve A., itong nakalipas na linggo dahil sa magkakasunod na pagpanaw ng ilang kilalang personalidad mula sa showbiz.

Nung nakaraang July 23 ay pumanaw ang isa sa original members ng pioneering Pinoy rock band na Juan de La Cruz na si Wally Gonzales na naging kasamahan nina Mike Hanopol at ang yumao na ring si Pepe Smith.  Sumunod naman dito ang dating actor at biological father ng actor na si John Regala na si Mel Francisco na sumakabilang-buhay nung July 25 sa edad na 78.  Kinabukasn, July 26 ay sumunod naman ang stand-up comedian at impersonator ng megastar na si Sharon Cuneta na si Ate Shawee (Marvin Martinez) sa edad na 45 dahil sa kidney complications. Nung July 27 ay sumunod naman ang actor-painter at art collector na si Orestes Ojeda  (Luis Pagaliluan in real life) sa edad na 65.

Nung July 30 naman ay namaalam na rin ang dating MTRCB chairman at former Chairman/Board Member ng Philippine Charity Sweepstakes, dating newspaper columnist at TV host na si Manuel `­Manoling’ Morato sa edad na 87 dahil sa COVID-19. At bago nagtapos ang buwan ng Hulyo ay sumunod namang namayapa nung July 31 ang ex-wife ng dating Vice-President at veteran radio and TV anchor-journalist na si Noli de Castro na si Arlene Sinsuat-de Castro na dati ring vice-president ng Current Affairs division ng ABS-CBN-turned independent TV producer sa pamamagitan ng kanyang Bayan Productions.

Ang dating TV host-turned undersecretary ng Dept. of Tourism at GM ng PTV-4 na si Katherine `Kath’ Sinsuat de Castro ay isa sa tatlong anak ng namayapa.

vuukle comment

YNEZ VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with