_pang-masa
^

Pang Movies

Derek, diring-diri sa ginawa ni Ellen sa ipis

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Derek, diring-diri sa ginawa ni Ellen sa ipis
Ellen at Derek

Laugh trip na naman si Ellen Adarna nang i-prank ng ipis si Derek Ramsay.

Common knowledge na takot at nandidiri ang actor sa cockroach.

Hindi ito ang first time na tinakot ng ipis ni Ellen ang fiancé na sa paghabol niya habang may hawak na ipis ay sumakay na lang sa kotse ang actor.

Actually, nasa hitsura ni Derek na pikon na pero panay ang tili ni Ellen ng ‘open the door love.’ Hanggang pinasakay niya ng kotse si Ellen at nag-dialogue si Derek ng ‘do not touch me. Cockroach juice,” habang panay pa rin ang video ni Ellen na gusto niyang hawakan si Derek ng kamay na ipinanghawak sa ipis.

Looks like normal na sa ikakasal ang asaran portion nila sa social media na ikinaaliw naman ng kanilang followers

KC, hindi muna uuwi ng Pilipinas

Hindi muna pala babalik ng Pilipinas si KC Concepcion. Naghahanap siya ngayon ng rerentahang apartment sa California.

Mas matagal na raw siyang maglalagi sa Amerika ayon sa kanyang post.

“Apartment hunting, staying longer.”

At tatlong araw lang ang chance para makahanap siya ayon sa sinagot niyang comment. “Do you have a place I can move to in 5 days time? I mean 3 days, weekend counted. Lol.”

Base sa mga post ni KC at mommy Sharon Cuneta niya ay hindi pa sila nagkikita sa Amerika na nagpapaka-normal habang andun din. Nakikita si ate Shawie ng ibang fans namimili ng mga magazine habang nasa supermarket.

Chad Kinis at Nikko, nagkalat ang closeness

True ba ‘yung pagli-link kina Chad Kinis at upcoming actor and model na si Nikko Alano Chua.

Ang daming followers nila ang nagta-tag sa amin ni Mr. Fu at ‘yun nga sinasabing proud daw ang dalawa sa kanilang closeness.

Or baka naman talagang friends lang sila at walang malisya ang relasyon. Pero sa isang post na tagged kami nakalagay sa caption ni Nikko ang “You & me against the antagonist. ”

Ayun na.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with