_pang-masa
^

Pang Movies

Beautederm, 12 years na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Beautederm, 12 years na!
Rhea

Happy si Rhea Tan ng Beautederm dahil 12 years na sa top spot ang kanyang kumpanya. Looking back dun sa una niyang six years kung saan struggling pa siya at nang kaya na niyang kumuha ng maraming endorsers at talagang byword na ng lahat ang Beautederm.

Natutuwa siya dahil talagang nalagpasan niya ang matitinding pagsubok at ngayon ay very stable na ang Beautederm. Ang da­ming products, kilala na sa buong Pilipinas at meron na siyang store sa Singapore at New Zealand. Hindi naman kataka-taka dahil sa sipag ni Rhea na talagang subsob sa trabaho para magawang number 1 ang kanilang kumpanya.

Basta siguro honest, kind, at sincere ang isang tao malapit ang tagumpay, gaya sa case ni Rhea Tan. Kaya siguro dapat maging katulad ni Rhea Tan ang lahat ng entrepreneur para umangat at magtagal sila. Dapat laging mababa ang loob, hindi mataas magsalita, maging totoo. Iyan siguro ang dapat matutunan para maging on top.

Congrats, Beautederm. Congrats, Rhea Tan.

Rhian at Mark, bagong putahe!

Mabuti naman at nakabalik na si Rhian Ramos mula sa European trip niya kasama sila Dra. Vicki Belo para sa pictorial ng bagong publicity photos ng Belo Medical Group. Kasi ‘yung serye kung saan kasama si Mark Herras ay ang project para kay Rhian. Ngayon na nandito na si Rhian, siguro magsisimula na sila at meron nang trabaho si Mark.

At sana naman itong serye na ito hindi matulad sa serye nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na bigla na lang after one lock-in, shelved muna at sa January 2022 na ang balik. Maganda rin na parang iba ang putahe sa pagsasama sa project nina Rhian  at Mark. Sana nga mag-umpisa na para meron nang bagong putahe na mapapanood.

RHEA TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with