_pang-masa
^

Pang Movies

Daniel, dismayado sa mga sumisira sa kalikasan

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naging advocacy na rin ni Daniel Padilla ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Sa Purple Chair interview sa kanya sa YouTube channel ni Kuya Boy Abunda, nagpahayag ito nang pagkadismaya sa ibang mga taong, hindi pinangangalagaan ang ating kapaligiran.

Binanggit niya ang mga sunud-sunod na disaster na nangyayari sa buong mundo, na ang isa sa mga dahilan ay ang pagpapabaya natin sa ating kapaligiran. “Ngayon pa lang, medyo nauubusan na tayo ng oras. Can you feel the changes ng mga bagyo ngayon, ng panahon, drastic changes. Dahil ‘yan ‘yung paano natin tratuhin na at the end of the day, ‘pag nagalit, wala na tayong magagawa,” seryoso niyang pahayag.

“Dun ako nanliliit na ako, ano ang magagawa ko? What I’m doing? Kaya ngayong pandemic ‘yun ang tumatakbo sa isip ko, ang mga realization,” dagdag niyang pahayag.

Eto ang isa sa mga mensaheng hatid ng pelikula niyang Kun Maupay Man It Panahon o Whether The Weather is Fine.

Kuwento ito sa aftermath ng bagyong Yolanda na naka-focus sa mag-inang Norma (Charo Santos-Concio) at Miguel (Daniel Padilla).

Napamangha ang lahat na bumubuo ng pelikulang ito kay Daniel dahil sa matatas siyang magsalita ng Waray. Tagaroon ang ina niyang si Karla Estrada.

Kuwento nga ng producer ng pelikulang ito na si Armi Rae Cacanindin, nakikita raw nila kay Daniel na talagang isinasapuso niya ang role niya rito bilang si Miguel.

Marami silang extra na tagaroon na sa Leyte ang kinuha. Katatapos lang daw ‘yun ng bagyo ang eksena at nakita raw nilang ang ibang tagaroon ay tumatawa, ang iba nakatingin pa sa camera. Nagsalita raw si Daniel sa mic at sinabihan daw silang lahat sa salitang Waray.

Sabi raw niya, ayon sa kuwento ng producer na si Armi; “Bakit kayo tumatawa? Ano’ng nakakatawa? Nangyari sa inyo ito, ‘di ba?Nandito nga kaming lahat para ikuwento ang kuwento ninyo. So, sana, magtulungan tayo rito.”

Napahanga ni Daniel ang buong production team nang nagsalita ang Kapamilya actor.

 Itong Kun Maupay Man It Panahon ay magwu-world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section ng 74th Locarno Film Festival (Agosto 4-14, 2021) sa Switzerland.

First feature film ito ni Carlo Francisco Manatad, na tubong-Tacloban. Katuwang ni Direk Carlo sa pagbuo ng screenplay sina Giancarlo Abrahan V at Jérémie Dubois. Producer din ng pelikula sina Atty. Josabeth “Jojo” Alonso at Vincent Wang.

Maine, magpapatawa sa Travelogue

Ngayong araw na magsisimula ang Buko Channel na napapanood sa dating frequency ng Channel 2 ng Cignal TV.

Pawang comedy shows ang mapapanood dito, at may mga bago ring programang produced ng APT Entertainment at Cignal. Isa na nga rito ang #MaineGoals na isang masayang travelogue ni Maine Mendoza.

Kahit travelogue, hihirit pa rin si Maine sa pagpapatawa rito, at ito raw ang kakaiba sa bago niyang programa. Hataw din si Maine sa bago niyang endorsements.

Ang latest nga itong GigaPay, ang bagong collaboration ng Smart at PayMaya para sa madaliang pagbayad sa GigaLife App. Ang GigaPay with PayMaya ay mas mapadali na ang payment transactions sa subscribers ng Smart Prepaid, Smart Postpaid, Smart Bro, Prepaid Home WIFI, at TNT.

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with