_pang-masa
^

Pang Movies

Kathniel at Lizquen, magiging busy na uli

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kathniel at Lizquen, magiging busy na uli
KathNiel

Nagsama-sama sa isang dinner bilang bonding din nila ang stars ng ABS-CBN, na pinangunahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ngayon lang uli sila nagkaroon ng pagkakataong magkasama-sama simula noong lockdown. Dati isang malaking event para sa kanila ang Star Magic Ball na magdadalawang taon na ngang wala dahil sa ipinatutupad na safety protocols na nagbabawal sa gatherings simula noong lockdown at nawalan pa ng franchise ang ABS-CBN kaya wala na ang malaking ball na kagaya noon.

Siguro kaya masaya sila at nagkasundong mag-bonding kahit na papaano ay may nakita silang pag-asa matapos na kausapin ng top management ng network tungkol sa mga proyektong kanilang gagawin, at ang pagbibigay sa kanila ng assurance at sa lahat ng mga artistang nanatili sa network kahit na nga nalagay sa alanganin ang kanilang career, na sila ang priority sa mga project.

Tinukoy pa nga ng presidente ng network na si Carlo Katigbak na talagang bibigyan nila ng priority ang KathNiel at ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) dahil kahit na malaki ang chances na kunin sila ng ibang network ay nagsabi na agad na hindi sila tatalikod sa ABS-CBN kahit na ipinasara na iyon.

Kung noong una ang mga plano ng management ay nakabatay sa muling pagbubukas ng kanilang network oras na makakuhang muli ng panibagong franchise, ngayon ay mukhang nagpalit na sila ng tono, at sinasabing magsisimula nang gumawa ng mga bagong proyekto at hindi na maghihintay pa ng panibagong franchise. Palalawakin na lang daw nila ang kanilang audience sa pamamagitan ng internet at iba pang platforms.

Naniniwala na silang kung mapapalawak pa nila ang kanilang audience, siguro nga papasukin na rin naman sila ng commercials sa iba’t ibang platforms at kikita na rin sila.

Kabayan Noli, biyudo na

Sunud-sunod nga ang hindi magagandang balita sa entertainment at media. Ngayon biyudo na rin si Kabayang Noli de Castro. Ang kanyang asawang si Arlene Sinsuat de Castro, na siya ring producer ng kanyang public affairs program, ay yumao noong Sabado.

Kinumpirma iyan ng kanilang anak na si Kat de Castro, na wala rin namang naibigay na ibang detalye kundi inihahanda pa raw nila ang susunod nilang gagawin. Nanatili namang tahimik si Kabayan sa pagkamatay ng misis niya.

Si Arlene Sinsuat de Castro ay naging vice president din ng ABS-CBN Public Affairs. Bago naman napasok sa ABS-CBN, isa siyang program producer sa government television Channel 4 noong araw

Magka-partner sa BL series, ‘mag-asawa’ na ang tawagan

Kaya raw pala parang makatotohanan ang mga eksena ng dalawang baguhang male stars na guma­gawa ng isang BL series ay dahil mukha ngang kahit na sa totoong buhay ay ganoon sila. Sinasabi ng mga production crew na kahit na raw hindi sa harap ng camera at walang kinukunang eksena, nakikita nilang naghahalikan nang lips to lips pa ang magka-partner.

Ang tawagan din daw noong dalawa ay “asawa ko.” Pero ang sabi nga nila, nakakatuwa rin naman daw dahil hindi sila nahihirapan. Kung ano man ang ipagawa sa dalawa ay ok lang, basta sila ang magkaeksena.
Pero ang sinasabi ni direk, “honestly hindi ko alam na may relasyon pala sila noong kunin ko para sa project. Ni hindi ko nga alam na pareho pala silang engkantada.” 

Marami talagang ganyan ngayon, na nakakatanso pa. Hindi kasi sila halata sa kanilang kilos at pagsasalita.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with