_pang-masa
^

Pang Movies

Marian, soon na ang ­pagbalik sa teleserye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian, soon na ang ­pagbalik sa teleserye
Marian

Ikinatuwa ng fans ni Ma­rian Rivera ang nabasang sagot nito sa tanong ng isang fan kung kailan uli siya magkakaroon ng bagong show sa telebabad dahil miss na miss na niya ang aktres. Sabi pa ng fans, kahit ilang beses na niyang napanood ang Endless Love, pinapanood pa rin niya ang rerun nito sa GMA 7 at pati sa YouTube sa sobrang pagka-miss sa kanya.

Sagot ni Marian, “Aww maraming salamat... Soon inaayos lang script” at sinundan ng praying emoji. Kaya tuwang-tuwa ang fan na nagtanong at ang mga nakabasa at kinumpirma na agad na may bagong teleserye ang aktres.

Ang wish ng fans, sana soon na ang pagbabalik ni Marian sa teleserye at may request sila sa GMA 7 na sana gawan ng Philippine adaptation ang Korean drama na Penthouse at si Marian ang kunin sa role ni Simone Shim.

Samantala, birthday ni Dingdong Dantes ngayon, 41 years old na siya at sa Aug. 12, si Marian naman ang magbi-birthday, she’s turning 37 years old. Dahil balik-GCQ ang NCR at sa birthday ni Marian, under ECQ ang NCR, wala na naman silang big party.

Concert ni Martin sa Cali, walang bakanteng upuan

Puno ang Sycuan Casino Resort sa San Diego, California sa concert ni Martin Nievera, kaya kinongratulate siya ng kapwa singers. Ang laki ng venue at ang vacant seats ay ‘yung nasa harap lang, six seats lang at para pa yata sa staff ng concert.

Kaya naman nagpasalamat si Martin sa mga nanood sa kanya at special mention nito ang anak na si Robin Nievera na sa video na in-upload ni Martin ay kasama sa back-up musician niya at hawak nito ay gitara.

MA­RIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with