_pang-masa
^

Pang Movies

Luis at Jessy, tisay ang magiging first baby

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Luis at Jessy, tisay ang magiging first baby
Jessy at Luis

Kailan nga ba magsisimulang bumuo ng sariling pamilya ang bagong kasal na sina Luis Manzano and Jessy Mendiola? “We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies. Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis sabay buong pagmamalaking ipinakita ang cute na cute na photo ng isang batang babae.         

May napagkasunduan na rin silang ipapangalan dito – Emma o Ocean kung babae at Luke kung lalaki. “When we hear the name Emma, naiisip namin yung tisay na naka-pigtails tapos ang pula-pula ng cheeks. Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea… ‘Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky [my nickname] and also a bit of a ‘Star Wars’ thing.”

Pero maghihintay pa si Luis na matapos ang pandemya bago mangyari ito.

Magkaganoon man, bakas sa mukha ni Luis na masayang-masaya siya sa buhay may asawa. Bagay na muntik nang hindi mangyari. Napabalita kasi noon na naghiwalay na si Luis at Jessy at kinumpirma din nila ito sa vlog ng huli.

Samantala, katatapos lamang ni Luis gawin ang I Can See Your Voice at ang Your Face Sounds Familiar. At nakatutok muna ito sa  kanyang LuckyTV  channel. Mayroon din siyang inaasikasong ilang negosyo at may bagong role si Luis sa ilalim ng nangungunang health care company sa bansa, ang Unilab. Ito ay ang pagiging health advocate para sa leading flu medicine, ang Bioflu.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with