_pang-masa
^

Pang Movies

BFF ni Ricky Lo, pumanaw na rin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
BFF ni Ricky Lo, pumanaw na rin!

Siguro nga pag BFF mo ang nawala para ka rin nawalan ng pamilya. Mula pa nung 70’s friends barkada na sina Ricky Lo at Raul Tidalgo. Nagkahiwalay sila nang mag-migrate sa New York si Raul, pero dahil panay naman biyahe ni Ricky sa USA kaya nagkikita silang madalas.

At pag pareho kaming nasa New York ni Ricky, sure ako lagi kaming may merienda nila Raul at Rustom Quintom, isa pang showbiz writer na nag-migrate rin sa US.

At pag kasama ko sa biyahe ang dalawa kong anak, dadalhin sila ni Ricky sa office ni Raoul para bigyan nito ng pocket money ang mga anak ko. Hindi gaya ng closeness ko kay Ricky, iba naman ang friendship namin ni Raoul. Twice kami nagkasama sa biyahe nang dito na siya tumira sa Pilipinas uli dahil sa convincing power ni Ricky na dito siya mag-retire. Magkasama kami sa Bicol, kay Cong. Joey Salceda at sa Hongkong, sa blow out ni Joey Santos ng House of Obagi.

Dinala rin siya ni Ricky sa Paris at nag-stay rin sa Rue de Duras.

At kung naging malaking blow sa lahat ang biglang pagkamatay ni Ricky, nakakagulat din na biglang nawala rin ang bff niyang si Raul.

Para bang dahil sa bff sila, hindi rin nakayanan ni Raul ang pagkawala ni Ricky, kaya siguro bumigay din siya agad.

What a tight and very warm friendship, talagang sabi nga ni Ricky nang ikumbinsi niya na sa Pilipinas na mag-retire na aalagaan niya ito, siguro nga mas ginusto niya na magkasama na silang dalawa.

Have a goodnight sleep Raoul, hug Ricky for us. Enjoy your never ending kuwentuhan, iyon mga flashback ninyo, now you will have all the time together.

Mga inggitera nagkalat sa social media!

Hindi rin masarap ang buhay ng isang celebrity.

Imagine mo na target ka ng lahat ng puna, reklamo, pintas, at mga mapanirang salita kung minsan.

Isang pagkakamali mo, ang laki agad ng epekto, para bang dapat perfect ka lagi, dapat hindi ka magkakamali, lagi ka dapat tama.

Pero kadalasan naman, either they like you, hate you, meron na agad silang judgment sa iyo. Kahit anong gawin mo, may makikita silang mali.

Nakakaawa naman si Jinkee Pacquiao sa mga bashers na ayaw siyang tigilan. Iyon bang nagkamali siya para bang iyon na lang ang pamantayan kung sino siya.

Kahit iyon ibang celebrity na nagagalit sila dahil sa mga suot o gamit o jewelry na ipinapakita sa IG, what’s wrong? Hindi naman nila nilalagay iyon tatak o kung magkano ang bili nila sa suot o gamit nila. Iyon mga nakakikita sa IG o Facebook nila ang naglalagay ng label, nagri-research kung magkano ang halaga ng items.

Kasalanan ba nila na isuot iyon para makita nila sa IG? Parang kitid naman ng utak natin na pati iyon ikinaiirita natin.

So may ganun si Jinkee Pacquiao, may ganung gamit iyon ilang artista, anong problema?

Kung anong meron sa iba, ok lang. Pag gusto natin, work tayo para may pambili tayo. Kahit ano naman kaya natin basta magtrabaho lang tayo. So, gusto mo ng Hermes, ipon at trabaho, tapos buy ka agad-agad, pictorial ilagay sa IG, ipakita mong meron ka rin, pag tinanong bakit Hermes binili mo, kasi Herminia ang name ko, simple lang di bah! Kalokah.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with