_pang-masa
^

Pang Movies

Coco, ‘di nakatulog, tensyonado sa pagpasok ni Julia sa Probinsyano

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco, âdi nakatulog, tensyonado sa pagpasok ni Julia sa Probinsyano
Coco

For sure, halos mamatay-matay sa saya at kilig ang  CocoJuls fans sa panayam kina Coco Martin at Julia Montes nang magkasama na umere sa TV Patrol. After so many years kasi, ngayon lang ulit nagkasama ang dalawa in one interview na matagal nang inaabangan ng kanilang loyal supporters.

Siyempre, paunang pakilig pa lang ito dahil nga malapit na silang mapanood gabi-gabi na magkasama sa FPJ’s Ang Probinsyano na hudyat ng pagbabalik ng kanilang tambalan after 6 years.Ayon kay Coco ay sobrang excited siya sa pagsasama nilang muli ni Julia sa telebisyon.

“Ako ‘yung kagabi, hindi nakatulog. Kahapon, nagbe-brainstorming kami dito, ako ‘yung tensyonado. Kasi, makakasama ko siya (Julia), eh. Alam mo ‘yun, parang hindi ako pwedeng magkamali this time. Parang ganu’n ‘yung ano ko. Parang dito pa ba ako sasablay?” sey ni Coco.

Julia is just as happy at sey nga niya, parang hindi kumpleto ang career ng isang artista kapag hindi nakapag-guest sa FPJAP. “Sa nakita ko rin kay Coco, parang dito siya, ‘yung pinaka-lumabas ‘yung creative side niya. So, to be part of this project, sobrang… parang hindi makukumpleto ang isang career mo sa isang trabaho mo as an actor, kapag hindi ka napasok sa Probinsyano,” sey ng aktres.

Sa ngayon ay sinimulan na raw nila ang preparasyon ni Julia sa taping at si Coco mismo ang nagte-train sa kanya. “’Yung preparation sa mga baril, ‘yung ganun, trinain ko siya sa baril, sa pagmomotor, tapos ‘yung sa fight, lahat, ganu’n. Kung baga, ‘yung suporta ba, kailangan lahat ibigay,” ani Coco.

Jessy, nagka-vertigo sa diving

Sinagot ni Jessy Mendiola ang mga naririnig niyang sinasabi ng ibang tao against her na laos na siya at wala nang offers. Paglilinaw niya, “ang totoo n’yan, ever since before the pandemic started, marami ng offers talaga but I think it’s more of I value my health more than anything.”

She added, “and ever since nag-start ‘yung pandemic, siyempre nandyan ‘yung fear, nandyan ‘yung kailangan mong mag-lock in, nandyan ‘yung marami kang taong makakasama.”

Sa ngayon daw ay mas gusto niyang mag-explore ng iba pang bagay.

“I feel that nasa point na ako ng life ko na I’m enjoying what I’m doing which is vlogging, diving na nagka-vertigo ako, but I’m trying to explore other things in my life. I’m also entering the world of business.

“And I think nandu’n na tayo sa point ng buhay natin na hindi na tayo nape-pressure to please everyone, kasi ganu’n naman talaga pag nagsisimula, di ba?

“I don’t think I’m ready for you know, ‘yung ­taping talaga na sagaran o kaya lock-in,” aniya.

Bilang bagong kasal at maybahay ni Luis Manzano, okay na okay raw ang lahat, chill lahat. Suportado raw ng mister niya ang lahat ng gusto niyang gawin ever since.

Sinabi rin daw niya kay Luis na parang hindi na raw niya kayang bumalik sa dati na sagad-sagaran ang taping na hindi siya nakakatulog, lagi siyang nagkakasakit at hindi siya happy.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with