_pang-masa
^

Pang Movies

Pinagawang boobs ng dating sexy star na sumikat, umimpis na! ­

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

TUMABINGI na raw ang mukha ng dating sexy star. Napansin ito ng isang kaibigan nang makita nang personal ang sexy star.

Member ng isang sexy group ang sexy star at sumikat din noong ­kapanahunan ng sexy movies.

That time, nagpalaki ba siya ng boobs kahit malaki na ang original size ng dibdib niya, huh!

Pero ngayon, wala na ‘yung malaking boobs ng sexy star. Umimpis na rin daw ang boobs nito!

Feeling ng kaibigan namin, naging produkto ng, “Salamat po, Doktor,” ang sexy acress.

Regal, lumalawak ang partnership sa GMA

BALIK sa paggawa ng TV series ang Regal Entertainment after a long time.

Nag-taping na sina Ken Chan at Sanya Lopez para sa unang episode ng GMA Regal Studio Presents. Ito ay ang episode na The Thin Line Between.

Ipinost sa Instagram ng @RegalFilms50 ang title ng episode. Nakalagay sa tila script, “by Jose Javier Reyes”.

Magsisimulang mapanood ang GMA Regal Films Studio Presents tuwing Linggo nang hapon.

Pagdating naman sa movies, natapos na ng Regal ang movie nina Lovi Poe at Carlo Aquino na Seasons. Ang alam namin, may ginagawa ring movie si direk Joey title Bantay Bahay under Regal.

Sa totoo lang, nagsimula na ang pagpapalabas ng old movies ng Regal na Regal Treasures sa GMA News TV.

Lumalawak ang partnership ng Regal at GMA, huh!

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with