_pang-masa
^

Pang Movies

Cindy Miranda, ­pinag-interesan dahil sa hiwalayang Aljur at Kylie

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Cindy Miranda, ­pinag-interesan dahil sa hiwalayang Aljur at Kylie
Cindy

Kung tutuusin, may advantage na natsismis ang beauty queen-turned-sexy actress na si Cindy Miranda kay Aljur Abrenica. Ngayon daw ay marami nang nakakakilala sa kanya. 

Bigla raw siyang ginu-Google ng maraming netizen at gustong malaman kung sino ba siya? 

May ibang netizen kasi na hindi alam na dating kinoronahan si Cindy bilang Binibining Pilipinas Tourism International noong 2013. 

Marami na ring nagawang TV shows si Cindy, kabilang na rito ang Willing-Willie, Pinoy Big Brother, Luv U, No Boyfriend Since Birth, Brush, Uncoupling, Ang Panday, at La Luna Sangre. 

Sa pelikula ay lumabas si Cindy sa Adan, Maria, Pambansang Third Wheel, at Sanggano, Sanggago, Sangguwapo.

Ngayon ay hindi na isang “da who” ang bida ng erotic film na Nerisa.

Anton Diva…pinagkakakitaan ang virtual gifts

Kabilang ang singer at impersonator ni Regine Velasquez na si Anton Diva na naapektuhan ng husto ng pandemya. At tulad ng ibang live show performers, halos masimot ang naipong pera ni Anton dahil sa pagsara ng mga comedy bar. “Wala akong naitabi, seryoso. Kaya nu’ng dumating ‘yung pandemic na lockdown na ‘yan, walang trabaho, nagkaroon ako ng realization na ‘Paano na? Paano ka na Anton?’” pag-amin ni Anton sa programang Stories of Hope ng GMA-7.

Mabuti na lang daw at nauso ang live streaming kaya ito na ang pinagkakaabalahan at pinagkukunan ni Anton ng kabuhayan niya. “Noong mapanood ko ang online concert ni Regine, doon na ako nakaisip na puwede naman mag-live sa Facebook. Doon na ako nagsu-show hanggang sa may nagpadala sa akin ng ayuda at ang kapalit ay pagkanta ko ng nire-request na song. Hindi ako particular sa amount. Kasi minsan P100, kakantahin ko. Hindi ako madamot sa kanta,” diin pa niya.

Sa livestreaming app na Kumu na namamayagpag si Anton. Ang mga nagpapadala sa kanya ng virtual gifts sa naturang app ay iniipon niya at kina-cash out niya. Ang madalas daw na i-request sa kanya ay mga awitin pa rin ng idolo niyang si Regine.

Pero iba pa rin daw ang saya na galing sa live audience. “Sobrang miss na miss ko na ‘yung may live audience, kasi 22 years kong ginawa ‘yun ‘no. Tapos ngayon wala. Sobrang miss ko na ‘yung agad agad mong maririnig ‘yung tawa nila, agad agad mong makikita ‘yung reaksyon, ‘yung face nila,” sey pa niya.

Hollywood actress na Jamie Lee Curtis may transgender na anak

Ni-reveal ng Hollywood actress na si Jamie Lee Curtis na ang bunso niyang anak ay isang transgender.

Ruby na ang pangalan ng dating anak niyang lalake who is 25-years old at nagtatrabaho bilang isang gaming editor. Kelan lang daw ay na-engaged na ito. “She and her fiancé will get married next year at a wedding that I will officiate,” pagmamalaki pa ng aktres.

Dagdag pa niya: “I tossed out the ‘old idea’ that gender is fixed and instead leaning into the idea that life is a constant metamorphosis.”

Parehong adopted si Ruby at ang panganay ni Curtis na si Annie. Hindi nagkaroon ng sariling anak ang aktres sa husband niya of 36 years na si Christopher Guest.

CINDY MIRANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with