_pang-masa
^

Pang Movies

Bea, naging proud girlfriend kay Dominic

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea, naging proud girlfriend kay Dominic
Bea

Tinutukso ng kanilang fans sina Bea Alonzo at Dominic Roque na baka sila ang susunod na magiging engaged dahil naka-witness sila ng American couple na ‘yung guy ay nag-proposed sa kanyang girlfriend. Nagpalakpakan ang mga nakasaksi kabilang sina Bea at Dominic.

Dinig na dinig si Bea na masaya sa napanood na proposal at parang kinilig pa. Naging proud GF pa ito nang lumapit ang boyfriend na si Dominic sa couple at nag-volunteer na siya ang kukuha ng photos ng engaged couple.

Sabi ni Bea, “He just went up to the couple to take good pics of them on this special  day. Good job! @dominicroque.” Ang reaction ng fans, proud GF si Bea kay Dominic sa gesture nito.

Anyway, inaabangan na ng fans ang pagbabalik nina Bea at Dominic mula sa one month vacation sa California dahil nabanggit ni Bea na first week of August ang kanilang balik at August na ngayon. Nabanggit din ni Bea na sa kanyang pagbabalik, maggi-guest siya sa All-Out Sundays  at kakanta pa raw siya.

Glaiza, love na love ng future mother-in-law

Ngayong Lunes na ang pilot ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Nagbabagang Luha tatampukan nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Claire Castro, Royce Cabrera, at Mike Tan. Pagkatapos ng Eat Bulaga  ang time slot nito, papalitan ang Dalawang Ikaw na bababa ang time slot at kasunod na siya ng Nagbabagang Luha. Sa naganap na ‘Pinoy Abroad Fun Concert’ virtual event na present ang cast ng Nagbabagang Luha, nagulat si Glaiza nang mapanood ang fiance na si David Rainey at nagbigay ng mensahe sa kanya.

Binanggit ni David ang “My favorite trait of Glaiza is her spontaneity. So, I guess, you never know what you’re gonna get which I like.

“The thing I miss most about her is everything really, but I miss adventuring, travelling, and trying new things with her,” sabi nito.

Lalo pang nagulat si Glaiza dahil pati ang mom ni David ay nagbigay rin ng mensahe sa kanya at kinongratulate ang aktres pati ang mga kasama sa cast. Natawa si Glaiza sa nabanggit ni Mrs. Susan Rainey na kapag nasa Ireland siya, turuan siyang i-pronounce ng tama ang Nagbabagang Luha dahil hirap siya.

Ang ganda pa ng sinabi ng future mom-in-law ni Glaiza na “Well I just love to see you and David together and I know how much you love each other so comeback soon. We miss you.”

Lauren, enjoy sa probinsya

Sumunod si Lauren Young sa sister niyang si Megan Young at Mikael Daez na nag-decide na sa Subic Bay na tumira. Nauna nga lang si Lauren sa kapatid at bayaw niya dahil sa Subic na siya nakatira. Iniwan na nito ang matagal na tinirahang condo at naghanap ng bahay sa Subic.

Nasa vlog nito ang rason kung bakit mas ginusto niyang manirahan sa Subic at very proud sa bahay niya sa Subic Bay.

“I have officially moved out of Metro Manila. Right now, my mind is kinda relaxing... living my life here. Spending the same amount of money, bigger space, why not? That’s why I moved out of Metro Manila. Manila isn’t everything,” sabi ni Lauren.

May mga naiinggit sa naging desisyon ni Lauren na iwan ang Metro Manila at bumalik sa Subic, considering na sa Metro Manila ang trabaho niya. Pareho ng paniniwala sina Megan, Mikael at Lauren na dahil sa expressway, mabilis na ang travel from Subic to Manila and vice versa.

Naalala namin sina Anjoy Yllana at Jomari Yllana na plano ring sa Bicol na manirahan at naisip ito ng magkapatid nang magka-pandemic.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with