_pang-masa
^

Pang Movies

Coco at Julia, kinumpirma ang pagsasama!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco at Julia, kinumpirma ang pagsasama!
Coco at Julia

Sa Ilocos pala magti-taping ang FPJ’s Ang Probinsyano ngayong si Julia Montes na ang leading lady ni Coco Martin matapos tsugiin si Jane de Leon.

Pero middle of August ang pull-out ng grupo ayon sa isang kasama sa serye. At hanggang December na raw sila doon.

Kumpirmado na nga ang pagpasok ni Julia sa serye at nagkaroon na ito ng story conference at pictorial kahapon, Biyernes (Hulyo 30) sa ABS-CBN.

Ito nga ang magsisilbing TV reunion project nina Julia at Coco pagkatapos ng i­lang taong panawagan ng fans na pagtambalin silang muli kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan noong 2012.

Last year pa kumalat ang pagpasok si Julia sa Probinsyano at ngayon nga ay tuloy na.

Bukod kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.

So ito nga siguro ang message na walang interes si Coco sa pulitika at hindi siya na-convince na kumandidatong senador ni Sen. Lito Lapid.

Ngayong lantad na sina Coco at Julia, aminin na rin kaya nila na diumano’y meron silang anak?

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with