_pang-masa
^

Pang Movies

Mayor Goma, negative na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor Goma, negative na!
Mayor Goma

Mabuti naman at magaling na si Mayor Richard Gomez ng Ormoc.

Talagang tutok kasi sa trabaho si Mayor Goma kaya siguro tinamaan din ng sakit. Ang aga niyang gumising, maglibot sa buong bayan para personal na makita ang sitwasyon sa kanyang nasasakupan.

Mabuti na lang at meron siyang Cong. Lucy Torres at Juliana na nag-aalaga sa kanya, dahil talagang nasa Ormoc na si Goma at dun na talaga nag-stay mula nang maging mayor siya. Imagine mo na pati pagsasalita ng bisaya, bihasang-bihasa na siya. At ipinagmamalaki talaga niya ang maraming pagbabago na nagawa niya para sa pag-unlad ng lalawigan.

Hinay-hinay din sa trabaho, Mayor Goma, dahil hindi ka na rin bumabata, dapat alagaan na rin ang katawan.

Hidilyn, umaapaw ang regalo

Ang sarap talaga ‘pag winner ka. Buong bayan mahal ka, buong bansa ipinagmamalaki ka, lahat gusto ka. Overwhelming ang love na ibinibigay ngayon kay Hidilyn Diaz, siyempre naman dahil sa karangalang ibinigay niya sa Pilipinas. Left and right, talagang umuulan ng mga regalo, lahat gustong makabit sa pangalan niya.

Mukha namang nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa niya. Sa mga sagot niya sa mga tanong sa kanya, feel mo pa rin ang humility niya, kababaang loob.

Let Hidilyn Diaz be a good start, an eye opener para makita natin ang chances natin sa iba pang larangan.

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with