_pang-masa
^

Pang Movies

Direktor, madalian ang pelikulang ginagawa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ambilis makatapos ng pelikula ang isang director! Katatapos lang nitong mag-story confe­rence, aba, streaming na agad sa digital platforms!

Then, may sisimulan na namang bagong movie ang director. Iilan lang ang bida at hindi pa masyadong sikat.

Eh kailangan kasing pagkasyahin ang budget na ibinigay sa kanya ng producer para sa ilang araw na shooting. Or else, kapag kinapos eh ang director na ang mag-aabono!

Tutal naman, limitado ang production staff and crew na involved sa shooting. Kadalasan pa eh multi-tasking ang staff, huh!

Tiis-tiis na lang ang staff kesa naman nganga sila sa kawalan ng trabaho!

Kakai, laglag sa Catch Me...

Magbabalik na ngayong Sabado ang reality game show ng GMA na Catch Me Out Philippines na hinu-host ni Jose Manalo.

Pero sa pagbabalik ng show sa ere, wala ang pangalan ni Kakai Bautista bilang Celebrity Spotters, huh! Si AiAi delas Alas na ang makakasama ni Derrick Monasterio as spotters sa comeback ng show sa ere.

Tatlong buwang natigil sa ere ang Catch Me Out Philippines. Sa pagbabalik nito, magsisilbing Celebrity Catchers naman sina Ysabel Ortega, Thea Astley, Jamir Zabarte, Jennifer Maravilla at limang previous winners ng show.

Ano kaya ang nangyari kay Kakai at wala siya sa pagbabalik ng show?

JOSE MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with