_pang-masa
^

Pang Movies

Mel consistent ang pagtangging anak si John bago namatay

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mel consistent ang pagtangging anak si John bago namatay
Mel

Hanggang sa huling sandali ay hindi nagkaayos ang `mag-amang’ Mel Francisco at John Regala.

Si Mel who is Adolfo Padilla Scheerer, Jr. sa tunay na buhay ay nagmula sa sa showbiz clan ng mga Padilla.  Si Mel ay pinsan ng magkakapatid na Robin, Rommel at Rustom (BB Gandanghari) maging ng yumaong action star na si Rudy Fernandez at kapatid nitong si Merle Fernandez at maging ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at iba pa.

Si Mel ay sumakabilang-buhay noong nakaraang linggo, July 25, sa ganap na ika-9:52 ng gabi dahil sa cardiogenic shock at age 78. Iniwan ni Mel ang kanyang present partner na si Jeraldine at ang kanyang 17 anak sa 12 babae.

Kung matatandaan pa, nagkaroon ng matinding kontrobersiya sa pagitan ng `mag-amang’ Mel at John nang pumasok ang huli sa showbiz in mid-1980s sa pamamagitan ng youth-oriented program na That’s Entertainment ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno on GMA na tumagal sa ere ng 10 taon.

Sa pagsisimula pa lamang ni John ng kanyang career ay inilahad nito ang kanyang buhay noon kung gaano sila kahirap ng kanyang ina, ang yumaong veteran actress na si Ruby Regala dahil pinabayaan umano sila ng kanyang amang si Mel magmula nang siya’y isilang hanggang sa kanyang paglaki.

Nakilala si John at si Mel naman ang nasira sa mata ng publiko.

Sa isang exclusive na panayam ng PEP.Ph kay Mel at sa inyong lingkod, personal nitong inamin na hindi umano niya anak si John lalupa’t buhay pa umano siya ay kinu-consider na siyang ‘patay’ nito.

Sa ilang okasyon ng pagkikita nina Mel at John, inamin ng una na hindi umano siya nakaramdam ng lukso ng dugo kay John.

Nabigla na lamang umano siya nang pumasok sa showbiz si John at siya ang itinurong ama considering na wala naman daw sinabi sa kanya ang ina nitong si Ruby Regala na naging kasintahan niya sa loob ng ilang buwan.

Halos lahat ng interviews kay John ay napanood ni Mel na sinabi nitong ‘patay’ na umano ang kanyang ama bagay na pinalagan ng dating actor.

Ang dating ‘bangayan’ nina Mel at John noong nakaraang late August to early September last year ay hindi na naresolba hanggang sa tuluyan na lamang namaalam ang sinasabing biological father ni John.

Kung si Mel ay nagkaroon ng matinding issue kay John, wala umano siyang naging problema sa kanyang mga anak (sa iba’t ibang babae) na magkakasundo.

Samantala, si Mel ay nagsimula sa showbiz in 1965. Siya’y ipinakilala sa pelikulang Hong Kong 999 na pinagbidahan ng ama ni Pops Fernandez na si Eddie ‘Lagalag’ Fernandez. Ito’y nasundan ng Mansanas sa Paraiso with Stella Suarez na dinirek ni Celso Ad Castillo. Ang iba pang pelikulang kanyang ginawa ay ang Assignment: Jolo kung saan niya nakasama ang ina ni John Regala na si Ruby Regala, Eagle Commandos, Red Beret, Fortress In The Sun, at iba pa. Nakilala rin si Mel bilang character actor noong ito’y aktibo pa sa showbiz.

Namirmihan siya sa Amerika sa loob ng 27 taon at nagtrabaho bilang sales manager sa isang multi-national car company. Pero may ilang taon na rin itong nakabalik ng Pilipinas at nanirahan sa isang lugar ng Laguna with his last partner na si Jeraldine who is 48 years his junior.

As of this writing ay wala pang ibang detalye ang ibinibigay ng pamilya na may kinalaman sa burol at libing ng dating actor.

JOHN REGALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with