_pang-masa
^

Pang Movies

Aktor na pamilyado na, tinapos na ang pagiging pahada

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tapos na raw ang pahada days ng isang kilalang aktor. Ang rason niya sa aming source ay may asawa’t anak na siya. Saka, nakakasungkit naman siya paminsan-minsan ng trabaho pantustos sa gastusin ng asawa’t anak.

Pero noong struggling days pa ng aktor, walang pamilya at madalang pa sa patak ng ulan ang trabaho, customer siya ng ma­yamang beki.

Ang aktor pa mismo ang kumakatok sa bahay ng mayamang bading para magkapera, huh!

Sey pa ng source namin, ang aktor na mismo ang tumatanggi sa grasyang ibibigay ng beki!

Marian, sulit maging endorser

Dyakpat talaga si Rhea Tan ng Beautederm Corporation sa pagkuha kay Marian Rivera bilang endorser ng produkto nito.

Aba, bawat post ni Marian ng produkto ng Beau­tederm sa kanyang social media account, todo puso ang emojis na ibinibigay ng kanyang followers, huh!

Sa latest Instagram post ni Yan, sinabi niyang favorite niya ang isang produktong pambahay ng kumpanya.

Komento naman ni Miss Rhea sa post ng aktres, “one of the many favorites hahaha.”

Sarap talagang maging endorser ni Marian dahil sulit na sulit sa kanya ang Beautederm!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with