^

Pang Movies

Maymay, tatlong taon na ang bahay sa Japan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maymay, tatlong taon na ang bahay sa Japan!
Maymay

Hindi na nakapag-deny si Maymay Entrata nang tanungin siya sa Magandang Buhay last Monday tungkol sa nabili niyang bahay sa Japan para sa kanyang ina. Natatawa nga niyang tanong, sino raw ang nagsabi sa hosts.

Kuwento niya, magta-tatlong taon na raw nang mabili niya ang bahay sa Japan kung saan naka-base sa ang kanyang ina bilang OFW.

Ayon sa aktres ay sobrang saya niya na nabigyan niya ng bahay ang ina. “Isa ‘yon sa sukli ko sa mga sakripisyo na ibinigay niya sa akin simula noong nawalay siya sa akin. Napakalaki kasing sakripisyo ang mawalay ka sa anak mo.

“Habang tumatanda ako, lalo kong naiintindihan bakit niya nagawa ‘yon, bakit siya malayo sa akin kahit kailangan ko siya. Para lang din maibigay ang pangangailangan ko sa araw-araw.

“Masayang-masaya ako na parang ito ang oras ko para maibalik ko ang sakripsiyo na ibi­nigay niya para sa akin,” pahayag ni Maymay na nagdidiriwang ngayon ng ika-limang taong anibersaryo sa showbiz.

Ian, kasama na sa huwag kang mangamba

Join na rin si Ian Veneracion sa inspirational teleserye ng Kapamilya na Huwag Kang Mangamba. Isang misteryosong karakter ang kanyang bibigyang-buhay kasama sina Andi Abaya, Nash Aguas, Vivoree Esclito, Richard Quan, at Andrea del Rosario.

Yes, nananatili pa rin sa ABS-CBN si Ian at gagampanan sa serye si Elias, isang bagong karakter na magiging malaki ang papel sa buhay ni Mira (Andrea Brillantes).

“I’m really excited kasi si Elias, darating siya sa buhay ni Mira. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa inyo kung kaibigan ba siya, kalaban ba siya, mabait ba siya o masama. May pagka-surprise ‘yun eh so excited ako para sa character ko,” pahayag ni Ian sa script-reading video ng cast na inilabas ng Dreamscape Entertainment.

Ayon sa mga direktor ng serye na sina Direk Manny Palo at Darnel Villaflor at ang creative producer na si Danica Domingo, bagay na bagay si Ian para gampanan si Elias dahil sadyang may pagka-misteryoso ang kanyang karakter. Magiging malaking parte rin si Elias sa buhay ng magkapatid na Mira at Joy (Francine Diaz) dahil tuturuan niya ang mga itong manindigan para sa kanilang pananampalataya kay Bro.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with