^

Pang Movies

Kris, tuloy na sa show ni Willie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, tuloy na sa show ni Willie
Kris

Parang matutuloy na ang guesting ni Kris Aquino sa Wowowin: Tutok to Win ni Willie Revillame dahil ina-announce na ni Wllie na si Kris ang special guest co-host niya sa show sa August 8 para sa isang online shopping app.

Hindi namin narinig kung saan gagawin ito, kung sa Araneta Coliseum ba o sa studio lang ni Willie sa GMA 7, kung saan man, siguradong marami ang tututok. Lalo na ang fans ni Kris na nami-miss siya dahil matagal nang hindi napapanood sa telebisyon at hindi rin nag-a-update sa kanyang social media accounts.

Sunday ang Aug. 8 at mapapanood ang Wo­wowin bago ang All-Out Sundays, 10 a.m. to 12 noon. Muntik nang mag-guest si Kris sa show ni Willie sa isang special show din ng online shopping platform, hindi lang natuloy at nagkasakit yata that time si Kris. This time, sana wala ng hadlang para matuloy na.

Luis, ‘pinakain’ ang nangmaliit kay Hidilyn

Kabilang si Gloria Diaz sa nagbigay pugay kay Hidilyn Diaz sa pagkaka­panalo ng gold sa Tokyo Olympics. Sa kanyang post sa Instagram, sabi ni Gloria, “Congratulations HIDILYN! The Filipinos are sooo proud of you lalo na AKO!” at sinundan ng emoji ng pumapalakpak.

Isinamang pinost ni Gloria ang video na nakasaludo si Hidilyn habang tinutugtog ang Pambansang Awit ng Pilipinas at hindi mo maiiwasang hindi mangilabot.

Isa pa si Lea Salonga sa nag-congratulate kay Hidilyn at sa larawan ng gold medalist na kanyang pinost sa Instagram, tinawag niya itong “Hero.”

Kaugnay ng pagkakapanalo ni Hidilyn, sinupalpal ni Luis Manzano ang isang netizen na ang yabang ng tweet na “Kakain ako ng t*e ng kalabaw pag nagka-gold. “ Sagot ni Luis sa netizen, “Eto na to!!! Pwede pakuluan o gawing sinigang.”

Sayang at hindi na sumagot ang netizen sa banat ni Luis sa kanya.

Tom, pinakikiusap na ‘wag tsugiin

Ginalingan ni Tom Rodriguez ang pagganap sa role ng kontrabidang si Brian sa The World Between Us. Pinupuri siya ng mga nanonood ng teleserye at nakakaaliw ang comments pagkatapos ng eksenang binugbog ni Brian si Louie (Alden Richards) at isinumbong pa sa mom niyang si Rachel (Dina Bonnevie).

Ang pakiusap lang ng fans ni Tom sa writers ng The World Between Us at kay director Dominic Zapata, ‘wag papatayin ang karakter nito hanggang sa ending ng teleserye.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with