_pang-masa
^

Pang Movies

Tsismis na anak aminin na kaya? Coco at Julia, sobra-sobra na ang pinapakita sa fans!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Tsismis na anak aminin na kaya? Coco at Julia, sobra-sobra na ang pinapakita sa fans!

Ang sinasabi namang diumano’y anak nina Coco Martin and Julia Montes ang hinihintay ng kanilang fans na ipakita.

‘Yun ay kung totoong may anak nga sila ha.TIDBITS SNIPPETS ETC.

Bago ang ‘get a room’ or ‘go somewhere private’ photos nila na nagkalat sa social media, pulos speculations lang ang lumalabas sa kanilang relasyon. Hanggang recently lang ay nagpakita silang nasa Mindoro dahil sa sino-shooting na pelikula.

Taon na ang binibilang since nagkaroon ng kabi-kabilang intriga na diumano’y may anak na sila.

Ibang contestants ng Miss World-PH, nagkasakit sa pagod?!

Totoo kayang may ilang contestants ang Miss World-PH na nagkasakit habang naghahanda sa coronation night nito? Pero hindi naman diumano covid. Baka raw sa sobrang pagod lang.

Bukod sa isyung ito, may isa pang kontrobersiya sa Miss World-PH na naudlot ang coronation night last Sunday, July 26. Magaganap na ito sa August 8.

Hurting si candidate number 3 Joy Barcoma na na-shock na pinagbibintangan siyang nagkakalat ng isyu na diumano’y may konek sa drugs sa ibang contestants.

Talaga raw nawindang si Joy na biglang hindi na lang siya kinakausap ng ibang mga contestant. So nagtanung-tanong daw siya kung bakit ganun.

Saka ang advocacy daw niya ay mental health so paano raw niya gagawing mang-intriga ng ibang contestant.

So nagtanung-tanong daw siya sa roommate niya kung may idea ba ito kung bakit hindi siya kinakausap ng ibang contestant at doon na nga sinabi na ganun.

Actually, ayaw na raw sana niyang palakihin dahil makaka-distract nga sa concentration nila sa coronation night, pero na-alarm diumano siya na nagagalit sa kanya ang ibang contestants kahit nag-explain na siya na wala siyang time na gumawa nang ganung issue at naniniwala siyang walang ganun.

Nag-advise na raw siya sa MWP organizer sa nangyari at once and for all gusto niyang iklaro ang nangyayari.

At ang wish niya, ma-clear ang air, pag-usapan na lang dahil umamin naman diumano ang roommate niya na sa kanya nag-start ang lahat ng intriga at nag-sorry naman daw ito sa harap ng ibang contestants.

Pero ‘yun nga, kahit para sa kanya ay ok na ang lahat, hindi pa rin daw siya nagkakaroon ng peace of mind at bothered pa dahil bakit sa lahat naman ng issues, drugs pa.

Hoping siya na maglalabas ng public apology ang contestant na umaming sa kanya galing ang issue para naman maging confident sila at hindi makaapekto sa concentration nilang lahat.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng organizer ng Miss World Philippines.

COCO MARTIN JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with