_pang-masa
^

Pang Movies

Mark, kailangan ng break!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mark, kailangan ng break!
Mark

Sana naman ngayon na nag-mature na si Mark Herras at mukhang iba na rin ang outlook sa trabaho ay mabigyan siya ng another look ng Artists Center.

Kung ‘di man puwede na maging leading man siguro puwede na rin maging character actor o kontrabida si Mark. Palagay ko naman by now ay mas may lalim na ang kanyang acting, mas professional na ang kanyang approach sa trabaho. Ngayon siguro nakita na niya ‘yung pagpapabaya na ginawa niya noong una sa kanyang career ang naging dahilan para mawalan siya ng project. ‘Yung hindi niya pagseryoso sa trabaho, kaya konti lang ang project niya. ‘Yung walang lalim na acting niya dahil hindi niya binibigyang importansiya ang pag-aaral sa role na ibinibigay sa kanya.

Now na nakita niya how hard it is to get a job, nagising na siguro si Mark.

Sana kahit sa pagiging character actor maging very busy siya. Please help him, dahil ngayon nakita na niya ang importance ng kanyang trabaho. Hindi pa naman siguro huli, dahil ngayon mas handa na si Mark na maging artista.

Sana nga hindi pa huli, sana nga makahabol pa siya. Sayang ang mga panahong pinalagpas niya. Sabi ko nga, career mo iyan, walang magagawa ang kahit sino kung ikaw mismo hindi tinutulungan ang sarili mo.

Yam, ayaw mawalay sa alagang aso

Cute naman ni Yam Concepcion, na dinala ang pet na aso sa New York nang ikasal sila ng kanyang napangasawa. Naalala ko tuloy ‘yung napanood ko sa 24 Oras na pet dog ng isang babae na ginawa niya ang lahat para madala niya sa France kung saan siya nag-migrate.

Katibayan talaga ito na ang pet mo para na rin tao na mami-miss mo ‘pag nalayo sa iyo, at talagang gagawa ka ng paraan na makapiling mo.

Naalala ko ‘yung cocker spaniel ni Nanette Medved na si Bono na talagang pina-adopt muna niya sa akin habang nasa Boston siya, at nang mag-asawa na sila ni Cris Po, kinuha nila at inalagaan hanggang mamatay of old age.

Makikita mo talaga na ‘pag mahal ng kanilang mga master ang alaga nilang pet dog, lagi ito sa kanilang alaala at hindi nalilimutan. Parang anak na inaalagaan, hanggang tumanda.

Imposible hindi mo sila ma-miss, at siyempre part sila ng life mo kaya gusto mo na kasama sila sa journey mo, tulad ni Yam, magiging misis na siya kaya gusto niya kasama sa bagong buhay ang baby dog niya. Gaya rin noong nag-migrate sa France, ayaw niyang iwanan dito ang alagang aso, gusto niya kasama niya kung saan siya mapunta.

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with