_pang-masa
^

Pang Movies

Malinis na kili-kili ni Hidilyn, agaw pansin sa Olympics!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., napansin mo ba ang pair of kili-kili ni Hidilyn Diaz, habang buhat-buhat ang 220 kilograms na barbell, yes, sa ongoing Olympic Games sa Tokyo, which won the Philippines its first Gold Medal?

Hindi man makinis, pero malinis.

Well, her victory automatically won daw Hidilyn the amount of P10M, courtesy of the Tokyo Olympic Committee.

Plus ang cash incentives na P35 million, mula naman sa Philippine Sports Commission (PSC), MVP Sports Foundation, yes, ni Manny Pangilinan, ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation at Rep. Mikee Romero.

Those nga pala wondering if may boyfriend na si Hidilyn, who is 30 years old, the sagot, mayroon.

And he is Hidilyn’s coach daw, Julius Naranjo, himself, a former weightlifter, a strength conditioning coach and a filmmaker as well.

Kim maraming milyones

Since we are talking about millions, Salve A., we might as well mention, too, na milyones din daw ang naipatayong bahay ni Kim Chiu, well, somewhere in Metro Manila, for her and her mga kapatid, plus dad.

May dalawa rin daw sasakyan si Kim na milyones din ang halaga.

Grabe, how much does Kim, whom we see hosting the grand noontime show daily, It’s Showtime, is earning? And how much worth is she, at 31.

“Well,” sambit ni Kim. “Sabihin na lang natin na marunong at mahusay akong humawak ng pera.

“And thanks sa mga kapatid, and my dad, as well, na siyang nagse-serve na mga adviser ko.”

‘Pag nagkataon, suwerte rin ni Xian Lim, currently the love of her life.

May minamahal ni Aga, napapanood uli

Ang gandang panoorin, Salve A., ng restored hits na pelikula ni direk Joey Reyes, na napapanood sa kasalukuyan sa Sagip Pelikula. Yes, sa ktx.ph.

We consider May Minamahal one of the best, as it starred Aga Muhlach, who was very young then.

A 1993 movie, it was released Christmas of that year. Also in the cast were Boots Anson-Roa at Ronaldo Valdez.

Direk Joey also wrote the story and script of May Minamahal. Now, guess nga pala who performed the theme song of May Minamahal? Agot Isidro.

Yes, Agot started as a singer muna bago siya nag-artista.

Kylie, hinangaan sa sexy moves kay Andrea

Marami raw daring scenes si Aljur Abrenica sa kanyang ginagawang movie, Nerisa, with Law Fajardo directing.

And mostly, too, with Cindy Miranda, who plays the title role.

Well, Aljur describes his and Cindy’s love scenes as “to the max.”

But not enough daw para magselos din to the max ang misis niyang si Kylie Padilla, na balitang dahilan kung bakit naghiwalay sila.

Meanwhile, back to showbiz din si Kylie, as her former movie, The Good Daughter, with Rocco Nacino as her leading man, is being re-aired sa GMA 7.

Maraming humanga kay Kylie sa kanyang ultra sexy moves with Andrea Torres sa TikTok video na pinalabas kamakailan para sa ginagawa nilang digital film.

Kung sabagay, 28 years old lang naman si Kylie.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with