_pang-masa
^

Pang Movies

ABS-CBN, bumida rin sa SONA ni Pres. Digong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin naisip na sasabihin ni Presidente Digong sa kanyang huling SONA matapos isa-isahin ang sinasabing hindi binayarang taxes ng ABS-CBN, na nakahanda siya na ibigay sa isang Pilipino na nakahandang magbayad ng tamang taxes sa gobyerno ang nabakanteng frequency nito. Siguro nga isinama iyon ng Presidente dahil lumalabas na isa iyon sa mga malalaking isyu ng press freedom sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Hindi natin alam kung ano pa ang susunod na development, pero maaaring sa loob ng isang taon pang panunungkulan ni Presidente Digong, maaari pa ngang maibigay sa iba ang frequency at iyan na nga siguro ang pinakamalaking dagok para sa ABS-CBN.

Iyong na-expire nilang franchise, maaari silang mag-apply ng panibago kung magbabago nga ang panahon, pero kung mawala at maibigay sa iba ang kanilang frequency, baka nga katapusan na ‘yun. Makakuha man sila ng bagong franchise papaano pa nila mababawi ang channel 2?

Kung mangyayari iyon, ang posibilidad lang ay kung magkaroong muli ng power grab na kakampi nila ang makaagaw ng kapangyarihan kagaya noon, at ibigay sa kanila ang frequency na hawak na noon ng Banahaw Broadcasting Corporation.

Ang nakakalungkot lang, ang ABS-CBN ay hindi lamang isang news organization. Iyan ay isang entertainment channel. Marami ang nalilibang sa kanilang mga palabas. Marami ring mga artista, writer, director, at iba pa na umaasa sa kanila.

Wala pang opisyal na comment ang ABS-CBN sa sinabing iyan ng presidente, bagama’t ilang tauhan nila ang mabilis na nagpalabas sa social media ng mga patunay ng ilang government agencies na nagsasabing “wala silang atraso.”

Aljur, may inamin sa nangyari sa kanila ni Kylie

Dumepensa si Aljur Abrenica sa pamamagitan ng sarili niyang social media post na siya ay nanatiling mabuting ama sa kanyang mga anak. Pero inamin din niya na hindi siya naging mabuting asawa ni Kylie.

Wala siyang choice kundi lumabas kasi siya ang sinisisi sa hiwalayan nila.

Hindi rin naman niya napasinungalingan ang sinabi ng kanyang biyenang si Robin Padilla na ang dahilan ng hiwalayan ay ang pangangaliwa niya, bagama’t sinabi noon na lahat naman halos ng lalaki nagkakaroon ng ganoong karanasan.

Ngayon ang sinasabi naman ni Kylie, nag-uusap na sila kung papaanong mananatiling responsableng magulang sa kanilang mga anak, pero wala nang usapan na may chance silang magkasundo uli.

Mahahalay na pelikula, nanamantala

May natanggap kaming pinagputul-putol na bahagi ng isang pelikula sa e-mail. Mahahalay na eksena iyon ng isang pelikulang palabas sa internet at ang sabi sa amin, “iyan naman ang nasa pelikula.”

Eh ano nga ba ang inaasahan ninyo sa isang pelikulang ginagawa pa lamang ay wala nang pinag-usapan kundi kahalayan? Ano ang aasahan ninyo sa mga palabas sa internet na hindi dumadaan sa ano mang klase ng regulation, at sinasamantala naman iyon ng mga gustong gumawa ng mga mahahalay na pelikula?

Ang nananatili na lamang makakakilos diyan ay ang simbahan, ano mang relihiyon mayroon kayo, nagkakaisa ang turo na hindi mabuti ang panonood ng kahalayan. Ang problema nga lang ng mga simbahan, dahil sa COVID, bawal din ang magsimba, kaya hindi rin maririnig ano man ang kanilang pagbabawal.

Nakakalungkot dahil nalugmok nga ang lehitimong industriya ng pelikula dahil sa napakahaba nang lockdown, at sinasamantala naman iyan ng mga mahahalay na panoorin.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with