^

Pang Movies

Hidilyn, instant yaman!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Hidilyn, instant yaman!
Hidilyn

Bemedalled weightlifter Hidilyn Diaz (30) gave our country its first ever Summer Olympics gold medal in 97 years sa 2020 Summer Olympics held in Tokyo, Japan last Monday night, July 26, 2021, making her P33-M richer dahil sa cash incentives na kanyang makukuha mula sa pamahalaan at sa mga businessman na sina MVP (Manny V. Pangilinan), Ramon Ang at Rep. Michael Romero. Nakuha naman ni Liao Qiuyun ng China ang Silver Medal habang si Zulfiya Chinsanlo ng Kazakhstan ang nakakuha ng Bronze Medal.

Si Hidilyn ay panglima sa anim na mga anak ng mag-asawang Eduardo at Emilita Diaz ng Zamboanga. Ang kanyang ama ay dating tricycle driver bago ito naging farmer at fisherman. Growing up, lumaki siyang mahilig sa sports tulad ng basketball at volleyball. Ang kanyang pinsan na si Jayfrus Diaz ang nagturo sa kanya sa basics ng weightlifting. Siya’y Airwoman First Class ng Philippine Armed Forces (PAF).

In January 2017, si Hidilyn ay nabigyan ng scholarship ng De La Salle College of Saint Benilde kung saan siya nag-aaral ng Business Management and took a leave of absence from school dahil kailangan niyang mag-training for the 2020 Summer Olympics in Japan. Pero dahil ito’y na-postpone to this year, nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng online class.

Sa 2016 Summer Olympics held in Rio de Janeiro ay nakuha ni Hidilyn ang Silver Medal. Nang siya’y bumalik ng Zamboanga noong August 8, 2016 ay binigyan siya ng hero’s welcome ng local government at ng kanyang mga kababayan. Nabilhan din niya ng lupain ang kanyang pamilya at nakapagtayo ng sarili niyang training gym.

Growing up, si Hidilyn ay nagsimula lamang magkahilig sa weightlifting sports dahil sa kanyang pag-iigib ng tubig sa kanilang lugar. Ito’y napunta sa pagbubuhat niya ng improvised barbell made of cans na my lamang semento dahil sa kanilang kahirapan. Pero hindi ito naging sagabal sa kanyang mga pangarap na makapag-uwi ng parangal hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi maging sa kanilang lugar sa Zamboanga and the Philippines in general.

Diaz is said to be dating former weightlifter-turned professional weightlifting coach and filmmaker na si Julius Naranjo at na-feature pa ang kanilang love story sa Kapuso Mo, Jessica Sojo sa GMA.

You made all the Filipinos proud, Hidilyn!

Samantala, gusto ni Hidilyn na matulungan ang mga babaeng weightlifter na katulad niya kaya nagbukas siya ng sarili niyang gym sa kanyang hometown sa Zamboanga. Ito ang kulang sa ating mga atleta na hindi nabibigyan ng suporta ng ating pamahalaan.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with