_pang-masa
^

Pang Movies

Nanghihingi ng birthday ayuda aktor na si Ping Medina, tinawag na makapal ang mukha!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nanghihingi ng birthday ayuda aktor na si Ping Medina, tinawag na makapal ang mukha!
Ping

Hati ang reaksyon ng netizens sa ­panghihingi ng donasyon ni Ping Medina para sa kanyang kaarawan.  May naaawa at nalulungkot sa kanyang dinaranas at mayroon namang nilait-lait siya at tinawag na ‘makapal ang mukha’.

Ipinost ni Ping sa kanyang ­Instagram ang paghingi ng tulong sa publiko at idinetalye ang kanyang problemang pinansyal.

Ayon kay Ping ay sinubukan daw niyang maging ahente ng sabong at may pautang daw siya na nagkakahalaga ng P36,000 subalit hindi pa raw siya nababayaran.

“MY WEIRD BIRTHDAY POST. Friends, I need a huge favor.

“See, I tried being a sabong agent last month. My master agent asked me for money to keep our account going. I also had a player who would spend 10k a day so when she asked for an advance I thought she was good for it. They both haven’t paid me. Exact amount is 36k. That’s my business’ rent money and 2 months amortized rent for my condo this coming Aug 1. I don’t know when they will pay,” ang simula ng post ni Ping.

Kwento niya, sunod-sunod daw ang kamalasan niya ngayong taon at kailangan niyang maghanap ng pagkakakitaan. Hanggang sa pinasok niya ang sabong.

“I’ve been doing okay since the pandemic but I ran into a bad streak this year. The second ECQ killed physical store sales at Bulilith Smoked Sausages. Customer traffic is starting to normalize but there were 3 months of people not wanting to go out. I needed another source of income.

“Unfortunately, sabong found me. I never gambled before in my life so I didn’t know the effect it has on people. Sadly, I’ve come to witness that it is truly an addiction preying on weak minds.

“Thing is, I don’t want to borrow money. I’d rather lose everything then move to Sagada to plant crops. I’m totally ready to fulfill my life-long dream of being a meditating forest hermit. Lol. But if I’m gonna do that I want to be sure I’ve exhausted all possible means to keep up this lifestyle. I can let go of all this. Lifestyle is not important. Life is,” saad niya.

Kaya heto raw siya ngayon at nagmamakakawa na bigyan siya ng donasyon.

“So now, I’m publicly begging for birthday donations. For me. Doesn’t matter if it’s 1 or 1000 pesos. Please know that you extending a helping hand is the most important gesture here. Today, I am relying on your kindness. 

“PS. If we’re both in need, you can greet me in the comments instead! I was planning to do a community pantry from my sabong earnings but alas. Lol. If ever there are excess donations I would gladly use it for that!” pahayag pa ni Ping.

May mga naawang netizens na nagsabing pinadalhan daw nila ng pera si Ping at naiintidihan daw nila ang sitwasyon nito. May mga kumuwestiyon naman kung bakit kailangang mamalimos ng aktor sa halagang 36K.

“What? For 36k magbbeg ka for donations? Di naman nahiya. Wala ka naman sakit. Work for it!” komento ng isang netizen.

“Lol. Sell some of your possessions instead. Ask from your family,” payo ng isang netizen.

Pero may mga nagtanggol din naman sa aktor at siguro raw ay gipit lang talaga si Ping para gawin ito.

PING MEDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with