_pang-masa
^

Pang Movies

Aktres na nagpramis ng ayuda, biglang naglaho sa lock-in

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

NGANGA ang production staff and crew ng isang programa sa pangako ng kilalang aktres na kapag natapos ang lock-in ­taping eh hindi sila uuwing luhaan!

Lagi kasing bukambibig ng aktres sa staff and crew na bibigyan niya sila ng pabaon pagkatapos ng taping.

Pero ang nangyari, nawalang bigla ang aktres sa paningin ng staff and crew, huh! Bigla itong naglaho na parang bula sa set ang aktres!

Kinalimutan na ang OPM (oh promise me) sa staff and crew!

Andre, kinarir na ang PBA

SUMALANG na sa PBA games si Andre Paras para sa Blackwater tean.

Balbas-sarado na rin ang hitsura ni Andre at napanood namin ang unang sabak sa PBA. In fairness naman, naka-shoot siya.

Tinalikuran niya ang career sa showbiz at mas pinili ang maging basketball player gaya ng ama na si Benjie Paras at younger brother na si Kobe Paras.

Wala na rin kasi sa ere ang show ni Sef Cadayona na Game of The Gens kaya mas hinarap na ni Andre ang full time career sa PBA.

Good luck sa PBA career ni Andre!

ANDRE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with