_pang-masa
^

Pang Movies

Bakuna ni Alden, inintriga!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bakuna ni Alden, inintriga!
Alden

Cute naman na pati ‘yung band-aid na nilagay sa braso ni Alden Richards nang magpabakuna siya ay naging issue.

Iba-iba naman talaga ‘di bah, noong una tayong nagpabakuna, cotton at plaster nilagay, doon sa 2nd natin, band-aid na. Noong una tayong nagpabakuna, walang water at biscuit, noong pangalawa, meron nang biscuit, mineral water pa.

Nagtataka nga ako dahil noong una, walang mahabang pila, ang bilis. Kaya nga ngayon nakapagtataka ang haba ng pila ha. Pero mabuti naman dahil sign ito na talagang naniniwala na ang tao sa bakuna, at ngayon kusa na silang nagpupunta para mabigyan nito.

Tingnan n’yo nga, kahit sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Alden Richards, pumila sa bakuna. Dahil gusto nating lahat tayo Protektodo sa QC talagang walang tigil ang bakuna campaign ni Mayor Joy Belmonte na talagang gusto na magkaroon ng immunity lahat ng nakatira sa QC.

Talagang kahit pa nga saan mo makita ang vaccination station, ang dami nang health workers na nag-aasikaso. Kaya nga, sana, masaya na tayo next year at wala nang pandemic.

Agimat…, tumatak

Marami pa rin ang naghihintay na sana magkaroon ng season 2 ang Agimat ng Agila, Salve. Talagang nakatuwaan ng viewers ang istorya nito na tungkol sa pag-aalaga ng kalikasan. Ngayon na panay ang ulan, baha, bagyo at lindol, totoo ngang seryoso na ang lagay ng climate change. Nakikita mo na ngayon ang dapat sana hindi nangyari kung naging maayos sana ang pag-aalaga sa ating mga gubat at dagat.

Kung hindi pa rin natin aayusin ang ating natural resources baka mas malala pa ang mangyari. Iyan ang aral ng Agimat ng Agila kaya dapat na mabigyan pa ito ng ikalawang yugto o season 2.

Maganda ang resulta nito, kaya palagay ko magiging madali rin ang paggawa ng ikalawang yugto.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with