^

Pang Movies

Dominic, mas pinag uusapan kesa sa career ni Bea!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dominic, mas pinag uusapan kesa sa career ni Bea!

Wala nang isyu sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Hindi na sila nahihiyang ilantad ang kanilang relasyon sa social media.

Ang tanong na lang ngayon, kumusta naman ang fans? Hindi natin malalaman iyan hanggang walang sinisimulang proyekto si Bea, at ang malamang nga raw mauna ay isang pelikula  at teleserye nila ni Alden (Ri­chards).

Sa ngayon masasabi nga siguro natin na si Alden ang may hawak ng pinakamalaking box office record sa pelikula, pero ang sinasabi namang nagdala noon ay ang leading lady niya na si Kathryn Bernardo na consistent namang box office hit maker. Si Alden naman, kumikita rin naman ang mga pelikula pero wala talagang kumita nang ganoon kalaki kahit na noong kasagsagan ng popularidad nila ni Maine Mendoza.

Iyon namang serye niya ngayon kasama si Jasmine Curtis Smith, maganda rin ang resulta pero hindi umabot doon sa ratings ng pinalitan nilang Gabby Concepcion-Sanya Lopez starrer. Si Bea naman ang sinasabing pinakamalalakas na pelikula ay kasama si John Lloyd Cruz.

Kaya ang tinatanong nila, papaano raw kaya ang pelikula kung ang pinag-uusapan ay ang affair ni Bea kay Dominic at hindi silang dalawa ni Alden.

Iyan ang kailangan na nilang paghandaan ngayon.

Richard, laging naaalala ang pag-rescue kay Cristine

Sa kasagsagan ng walang tigil at malakas na ulan na tumagal nang ilang araw na, na nasabayan pa ng isang malakas na lindol, nagbalik sa isip ng female star na si Cristine Reyes ang kanilang naging karanasan noon panahon ng Ondoy.

Nagising daw siya sa sigawan ng mga kapitbahay na humihingi ng tulong, at maya-maya nawala na ang sigawan at ang humi­hingi ng tulong ay tuluyan nang nalunod.

Siya naman daw sinabayan niya ng langoy, inalalayan ang mother niya at ang ilan niyang maliliit pang pamangkin para umabot sila sa kanilang bubong, at habang lumala­ngoy siya kasabay niya ang mga daga at maliit na ahas na naghahanap din ng malilikasan.

Hindi na niya maalala kung gaano sila katagal sa bubong hanggang sa dumating nga ang rescue. Dala ang isang motorboat, pumasok si Richard Gutierrez sa kanilang subdivision sa Marikina, kinuha sila mula sa bubong ng kanilang bahay at dinala sila sa isang ligtas na lugar.

Papaano kung hindi naisipan at hindi naglakas-loob si Richard na i-rescue sila?

Ngayon, hindi na binabaha sina Cristine. Lumipat sila sa isang mas mataas na lugar. Kasi hindi mo nga masasabing minsan lang naman iyon. Pinakamalala nga lang ang nangyari noong Ondoy, pero talagang binabaha naman ang dati nilang lugar dahil mababa nga iyon at oras na umapaw ang Marikina river, ayun na.

Aktor na nakipaghiwalay sa GF, biglang nawalan ng ingay

Bakit kaya biglang nagmukhang laos na ang isang magaling pa naman sanang artista na gumawa ng isang BL series.

Marami rin naman siyang proyektong ginawa pagkatapos noon, in fact, may tumatakbo na naman nga siyang panibagong serye pero ang sinasabi ng fans ngayon, wala siyang appeal.

Mukhang naapektuhan ang kanyang image, hindi ng paglabas niya sa bading serye kundi ang pakikipag-split niya sa dati niyang girlfriend na hindi niya namamalayan sikat pala talaga at malakas ang following.

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with