^

Pang Movies

John, sanay na sa baha!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John, sanay na sa baha!

Magka-same village kami sa Cainta, Rizal ng actor-director na si John Prats and his family at isa parati ang aming lugar sa binabaha kapag nagtutuluy-tuloy ang ulan tulad nitong mga nakaraang araw.

Noong nakaraang Sabado, July 24, ay ipinakita ni John ang kanyang pagiging professional sa kanyang trabaho dahil kahit baha sa aming lugar at hindi passable ng mababang sasakyan, gumawa ng paraan ang actor-director para lamang makarating sa kanyang directorial job sa It’s Showtime. Nanghiram ito ng construction truck sa kanyang businessman dad na si Dondie Prats (who is into construction business among others) para lamang makarating sa studio ng ABS-CBN kung saan ginaganap ang live airing ng It’s Showtime na pinangungunahan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Amy Perez, Kim Chiu, Karylle at iba pa. Dahil sa ginawa ni John, marami siyang pinahanga at kasama na rito ang bumubuo ng It’s Showtime family.

Bagong talagang director si John ng It’s Showtime at hindi nito puwedeng pabayaan ang kanyang trabaho lalo pa’t last Saturday ang launching ng bagong segment ng programa, ang Madlang Pi-Poll na nilahukan ng mahigit 45,000 Kapamilya viewers worldwide.

Si John ay bahagi pa rin ng top-rating and longest-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na sa pagkakaalam ko ay malapit na ring magtapos kaya gumagawa ngayon ng pelikula ang lead star at co-director ng serye na si Coco Martin with his rumored girlfriend na si Julia Montes na pinamamahalaan ng Cannes’ Best Director na si Brillante Mendoza.

John is happily married  for over six years now to his actress wife na si Isabel Oli.  Ang mag-asawa ay meron nang tatlong anak – sina Feather, Freedom at Forest.

Kung maganda ang takbo ng buhay at karera ni John Prats at ng kanyang pamilya, gayundin sa kanyang nakababatang kapatid, ang Kapuso actress-host na si Camille Prats who is happily married sa kanyang second husband, ang businessman na si John `VJ’ Yambao kung kanino siya may dalawang anak – sina Nala (4) at Nolan (2).

Si Camille ay may panganay na anak sa kanyang namayapang unang husband na si Anthony Linsangan na si Nathan (Nathaniel Caesar Prats Linsangan) now 13 years old.

vuukle comment

JOHN PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with