_pang-masa
^

Pang Movies

Bumabawi sa pagtatago noon... pda nina Bea at Dominic, todohan na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bumabawi sa pagtatago noon... pda nina Bea at Dominic, todohan na!
Bea Alonzo at Dominic Roque.

Todohan na ang PDA ng mag-dyowang Bea Alonzo at Dominic Roque. After ng  holding hands photo, bumabawi sila sa latest story ni Bea.

May pa-kissing and back hug sila habang nag-e-enjoy sa California.

Hindi na shocking pero kilig pa rin ang followers nila dahil matagal ang hinintay bago talagang nag-open up sa public ang magka-relasyon pagkatapos ng kontrobersiyal na relasyon at break up ng actress kay Gerald Anderson.

Ang kissing photo ay nasa IG story ni Bea habang nasa IG naman ni Dominic ang back hug nila.

Umalis sila pagkatapos na pumirma ni Bea ng three-year contract sa GMA 7.

Bagong interactive game na ‘madlang pi-poll’ nilunsad ng Showtime

Pwedeng makisagot sa mga tanong at manalo ng mga papremyo ang viewers habang nanonood sa bahay ng It’s Showtime sa pinakabagong interactive game segment nitong Madlang Pi-Poll umpisa kahapon, Sabado (Hulyo 24).

Para makasali sa laro, mag-log in sa link o URL na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa live segment. Isa-isang ipapakita ng hosts ang mga tanong habang sinasagutan naman ng home viewers ang mga ito sa kanilang laptop, computer, o mobile device.

Imbitado ang lahat ng fans na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game.

Para naman makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at e-mail address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.

Tuwing Sabado, tatlo hanggang limang home viewers ang maaaring manalo ng cash prizes at special items sa Madlang Pi-Poll.

 

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with