_pang-masa
^

Pang Movies

Ogie, nagbunga ang pagpupursige!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ogie, nagbunga ang pagpupursige!
Ogie.

Ang sarap makita ‘pag nagtatagumpay ang isang kasama mo sa trabaho.

Nakakatuwa talaga na makita na ngayon maganda ang buhay at trabaho ni Ogie Diaz. Siyempre pa, nakita mo iyon pagsisikap niya sa simula, at ngayon nakikita mo na maganda ang buhay niya, parang ang sarap isipin na kahit sino basta nangarap at nagsikap, puwede rin gumanda ang buhay.

Tingnan mo kung paano nagawa ni Ogie na umangat at makarating sa kanyang kinalalagyan. Iyon pagsisikap na ginawa niya. Mga bagay na siguro tiniis din niya, pero ngayon, ang layo nang narating niya.

Successful writer, comedian, top calibre manager, at bonggang businessman. Ano pa ang hahanapin mo, ‘di ba naman.

Isang bagay na maganda kay Ogie hindi siya nagbago, marunong siyang lumingon sa mga taong naging bahagi ng buhay niya, ganun pa rin siya kababang loob, hindi nagyabang. Kaya nga, hooray Ogie, bongga ka day!

Ulan at lindol, nagsabay!

Sana safe ang lahat sa tuluy-tuloy na ulan at na may kasama lindol nung Sabado ng madaling araw.  Talagang ibinuhos yata lahat ng ‘grasya’ mula sa langit dahil may ulan na, meron pang lindol.

Ipinapakita yata sa lahat para ngayon pa lang mabigyan na ng grado ang mga kandidato na nagbabalak tumakbo sa anumang sitwasyon.

Tingnan natin kung paano nila iha-handle ang mga nagaganap ngayon, may pandemic na, may bagyo at lindol pa. Tingnan natin kung hanggang saan ang tulong na puwede nilang iabot, ibigay, sa mga botante na hinihingan nila ng suporta para sa eleksiyon.

Ngayon dapat magpakitang-gilas ang mga kandidato, tiyak na marami ang affected, hindi lang sa pagkain, pati sa relocation dahil nagiba ang mga bahay sa lakas ng ulan at baha. Meron pang Delta variant, marami pa ang dadapuan ng sakit dahil nga nabasa sa ulan.

Hay naku, ang hirap maging kandidato ngayon, dami problema, talagang tested ang pasensiya at leadership mo. Let us pray na sana hindi naman masyado nahirapan mga kababayan natin.

 

OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with