_pang-masa
^

Pang Movies

Lea, may reklamo sa mga text ni Aga!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lea, may reklamo sa mga text ni Aga!
Lea at Aga.

Naaliw kami sa mga sagot ni Lea Salonga sa kanyang pa-Q&A (#AskMsLea) sa Twitter especially tungkol sa dati niyang leading man na si Aga Muhlach.

Natanong kasi kung ano ang hindi niya gusto kay Aga at sagot ni Lea, “he’s a bad texter. Parang si Jungkook. (There are things about JK that remind me of Aga. To anyone that watched Soop, it’s all right there.).”

Si Jungkook ay isa sa miyembro ng sikat na Korean boy band na BTS na fave na fave ni Lea.

Natanong din kung nagkita na ba sila ni Aga since the pandemic at aniya ay hindi pa raw.

Isa pang aliw na sagot niya ay nang tanungin kung ano raw ang weirdest question na naitanong sa kanya during an interview. “Oh gosh… I might’ve been asked if I ever got plastic surgery (for the record, nope). I didn’t quite know how to handle it at the time,” sagot ni Lea.

Tinanong din siya kung ano ang masasabi niya sa bagong hairstyle ni Sarah Geronimo na co-coach niya sa The Voice Philippines. “I love it! I hope she loves it too,” sagot ni Lea.

At dahil nga isa siyang ARMY (tawag sa BTS fans), karamihan din sa mga tanong ay tungkol sa BTS. Natanong siya kung narinig na ba niya ang latest single ng grupo at kung ano ang reaksyon niya. “Hindi ako ARMY if I haven’t heard that song. I love it! And what an amazing gift from BTS for the fandom!” sey ni Lea.

At sa tanong kung may plano ba siyang mag-concert soon, she replied, “so far the next one planned is for spring of 2022. Nothing set for earlier than that. I’m glad I have time to physically prepare for it, my singing stamina is low at the moment.”

Bea at Dominic may bagong pakilig!

Pagkatapos magpakilig nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa larawang magka-holding hands, mas matindi naman ngayon ang latest post ng aktor.

Sa bagong Instagram post ni Dominic ay makikitang they were having an autocamp with some friends at pagka-sweet-sweet nila ni Bea dahil naka-back hug pa ang aktres sa kanya.

Masayang-masaya ang fans sa nakikitang happiness nina Bea at Dominic at wish nga nila na sana raw ay forever na ito. “Bagay na bagay kay I wish you both a lifetime of happiness filled with love specially you Bea you deserved it,” komento ng isang fan.

“Sana kayo na forever! superrr bagay kayo and kakakilig kahit tingin lang Magkamukha kayo,” sey naman ng isa pa.

Kasalukuyang nasa US pa sina Bea at Dom at ang hinihintay ngayon ng lahat ay ang opisyal nilang pag-amin pagbalik ng Pinas.

 

LEA SALONGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with