_pang-masa
^

Pang Movies

Coronation night ng MWP, naatras!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Coronation night ng MWP, naatras!
Xian.

BULILYASO  ang coronation night ng Miss World Philippines 2021 na originally scheduled ngayong araw, Linggo, sa Okada Hotel.

Ayon ito sa advisory na ipinalabas ng Miss World Philippines (MWP) organization. Sa August 8 ang bagong schedule ng pageant.

Rason ng MWP sa bagong date ng coronation, “This is in compliance with the IATF’s heightened GCQ restrictions.”

Si Xian Lim sana ang male host ng Miss World PH kasama ang ibang title winners ng MWP. Sa GMA Network  sana mapapanood TV coverage nito.

Sayang at hindi agad mapapanood ni Kim Chui ang hosting ng boyfie sa pageant, huh!

Alden, Jakbie, ‘di napigilan ng baha ang pagpapabakuna

HINDI naging sagabal ang lindol at baha kahapon upang ituloy ng showbiz couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na magpabakuna laban sa COVID-19.

“Kahit dumaan sa baha at lumindol! Worth! #fullyvaccinated,” caption ni Jak sa twinning foto nila ni Barbie sa Instagram.

Hindi rin naman pinalampas ni Alden Richards na mabakunahan. Proud niyang pinost sa kanyang IG ang nabakunahan niyang braso.

Paalala ni Alden, “Please take the vaccine made available to you when given the chance so that we can reach herd immunity – which will act as a barrier to everyone against the virus.”

 

MISS WORLD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with