_pang-masa
^

Pang Movies

Dennis romantic comedy sana ang gustong gawin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis romantic comedy sana ang gustong gawin!
Dennis.

Nagdalawang-isip pala si kapuso drama actor Dennis Trillo, nang i-offer sa kanya ng GMA ang bago niyang teleserye na Legal Wives na kasama niya ang tatlong mahuhusay na Kapuso actresses, sina  Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.  Nang malaman niya ang story ng serye, naisip daw niyang very challenging ang role ni Ismael Makadatu. “Nagdalawang-isip ako, kasi gusto ko naman sanang gawing series, something light sana, isang romantic-comedy series, napagod kasi ako sa ilang action-drama na ginawa ko noon, like yung huli ko, Cain at Abel, kuwento ni Dennis. “Baka hindi ko kayanin ang bagong role ko, pero nang mabasa ko ang script, parang wala akong dahilan para tanggihan ang ganito kagandang kuwento na maganda ang message at may mga aral na mapupulot ang viewers.”

Kaya pinag-aralan na ni Dennis ang role ni Ismael Makadatu, inihanda na raw niya ang sarili sa lock-taping nila, nagpatubo siya ng facial hair para sa character niya. May mga briefing siya with their Muslim consultants sa mga tamang gagawin at sa tamang pag- pronounce ng kanilang dialect, lalo na iyong mga galing sa kanilang Quran. Lahat daw iyon ay pinag-aralan and he memorized, para hindi siya magkamali.

Sa direksyon ni Zig Dulay, bukas na, July 26, ang world premiere ng Legal Wives at 8:50pm, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA-7.

Glaiza, nahirapang umiyak

Tulad ni Dennis Trillo, nanibago rin si Glaiza de Castro sa role ni Maita sa upcoming teleserye niya, ang Nagbabagang Luha na adaptation of the movie of the same title, directed by Ishmael Bernal in 1988. Bakit nanibago si Glaiza, ganoong isa ring family drama ang gagawin niya? “Nakakapanibago, kasi nasanay na akong gumanap ng strong characters, like ng role ni Pirena sa Encantadia, at ang huli kong ginawang Contessa,” sabi ni Glaiza. “Parang bigla akong nanibago sa character na ginampanan ko rito, nahirapan din ako na laging umiiyak ang mga eksena ko. Thankful ako rito kay Direk Ricky Davao, dahil naging patient siya sa akin, lagi niya akong ginagabayan, dahil binigyan din niya ng bagong flavor ang role ni Maita.”

Sa August 2 na magsisimulang mapanood ang Nagbabagang Luha na nagtatampok din kina Rayver Cruz, Claire Castro at Ms. Gina Alajar, sa GMA Afternoon Prime.

DENNIS TRILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with