_pang-masa
^

Pang Movies

Kilalang aktres, walang hatak sa ineendorsong produkto

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sumasakit daw ang ulo ng mga may-ari ng sikat na brand sa hina sa fans ng kilalang aktres na kasama sa kampanya ng produkto nito.

Maganda at seksi naman ang aktres. Mabenta nga sa trabaho. Pero hanggang big at small screen lang ang appeal niya. Pagdating sa mga produkto, hindi pa rin daw kinakagat ng publiko.

Kaya ang dinig namin, sa susunod na campaign ng produkto nito eh nagdadalawang-isip na ang mga may-ari na isama siya.

Aljur, sunud-sunod ang gagawing pelikula

Ratsada ngayon si Aljur Abrenica sa paggawa ng movies. Si Aljur ang leading man sa Viva movies na Nerisa kapareha ni Cindy Miranda na isang sexy-drama movie. Yes, remember, Cindy? He! He! He!

Balita namin, game na game si Cindy sa maiinit na eksena nila ni Aljur, huh! Lalo na nga’t mag-asawa sila sa movie.

Kasama nina Aljur at Cindy sa movie ang dalawa ring palaban sa paghuhubad na sina AJ Raval at Sean de Guzman, huh! Suportado naman sila ng veteran actors na sina Elizabeth Oropesa at Bembol Roco.

Si Lawrence Fajardo ang director ng movie at sa July 30 ang global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPPV at Vivamax sa halagang P249.

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with