_pang-masa
^

Pang Movies

Matapos puri-purihin, Aljur nag-sorry kay Cindy na napagkamalang third party

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Matapos puri-purihin, Aljur nag-sorry kay Cindy na napagkamalang third party

Puring-puri ni Aljur Abrenica ang kanyang leading lady sa pelikulang Nerisa na si Cindy Miranda. First time niyang nakatrabaho ang aktres at marami silang matitinding love scenes sa movie.

Bilang babae, of course, ay may mga inhibitions din daw si Cindy sa kanilang daring scenes pero bumilib siya sa aktres sa pagiging professional nito. “She’s very professional at nagkaroon kami ng bonding at naging magkaibigan kami at lahat ng mga cast du’n sa set sa Nerisa,” sey ni Aljur sa solo presscon niya kahapon para sa naturang pelikula.

Aminado siyang bilang leading man ay nag-alala siya for Cindy dahil sa rami ng daring scenes nito sa movie at ang maganda naman daw ay pinag-usapan muna nila ang mga matitindi nilang love scenes. “Nag-usap kami ni Cindy. Siyempre, babae pa rin ‘yun. Ako nga, nag-aalala ako sa kanya kasi marami siyang ginawang love scenes. Pero ginawa ko pa rin na respetuhin siya, sabi ko, ‘hanggang saan ‘yung kaya mo?’ Nagkaroon kami ng usapan, hanggang saan ang limitasyon, naging open kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Aljur.

Ang ikinalulungkot lang ng aktor ay naintriga pa sila ni Cindy. As we all know, damay ang aktres sa issue ng hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla.

Naakusahang third party si Cindy pero nilinaw naman agad ng aktres na hindi ito totoo. “I felt sorry, gusto kong humingi ng pasensya sa lahat ng mga nadadamay. ‘Yun lang. Hindi nila deserve ‘yun. ‘Yun lang po,” ang reaksyon ni Aljur sa pagkaka­damay ni Cindy sa hiwalayan.

Inamin din ng aktor na hindi pa siya ready na magsalita tungkol sa issues sa kanya at darating din daw ang time na sasagutin niya ang lahat ng ito. “Alam kong marami kayong gustong itanong pero in time po, masasagot at alam kong concerned kayo sa akin. Pagdating ng panahon, maayos din po ‘to lahat,” pahayag ni Aljur.

Ang magagawa lang daw niya sa ngayon ay mag-focus muna sa trabaho, and, of course, number one pa rin sa kanya ang pamilya. Ipinagmalalaki ni Aljur ang Nerisa dahil pinaghirapan niya raw talaga ito and so far, maituturing niya itong most daring film niya, kaya sana raw ay suportahan ng mga manonood.

Mula sa direksyon ni Law Fajardo, Nerisa will be having its global premiere this July 30 on ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV for only P249 and on Vivamax.

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with