_pang-masa
^

Pang Movies

Jodi, lumantad sa birthday ni Raymart!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jodi, lumantad sa birthday ni Raymart!

Sa birthday lang pala ni Raymart Santiago lalabas ang larawan nila ng nob­yang si Jodi Sta. Maria at si Shaina Magdayao lang pala ang magiging daan para makunan sila ng litrato na dalawa. Naka-post sa IG stories ni Shaina ang litrato, pero deleted na, mabuti at may nakapag-save.

Intimate birthday dinner daw ‘yun para sa 48th birthday ni Raymart at sa litrato ngang pinost ni Shaina, sila lang nina Jodi, Shaina, Gretchen Fullido at isa pang lady friend. Sa picture, nasa likod ni Raymart si Jodi at nakatukod sa left shoulder ng aktor ang kaliwang siko ni Jodi.

Mapagbigyan kaya ang request ng netizens na masundan pa ng more pictures ang larawan ng dalawa para naman daw sumaya ang shippers nina Raymart at Jodi. Wala naman daw magre-react pa kapag madalas silang makita sa mga litrato.

Alice, 2 years ago pa natanggap ang offer ng legal...

Ikinuwento ni Alice Dixson kung paano siya napasama sa cast ng Legal Wives, na may world premiere sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us. Sabi ni Alice, personal na inalok sa kanya ng creative director na si Aloy Adlawan at concept creator at headwriter ng family drama na si Suzette Doctolero ang project. Nangyari raw ito nang magkasabay silang nagbakasyon sa Dumaguete at bumisita sa isang common friend.

Naintriga raw siya sa concept ng kuwento ng Legal Wives, kaya agad siyang napapayag. Nang i-pitch kay Alice ang project, two years ago, hindi pa kumpleto ang cast, pero sinabi niya agad na gagawin niya dahil naintriga at nagandahan siya sa concept.

Sanya, papalitan ni Andrea kay Bong

Naka-post sa Facebook ni Sen. Bong Revilla ang teaser ng finale episode ngayong Sabado ng Agimat ng Agila at hindi madi-disappoint ang mga sumubaybay sa buong Book 1 ng series dahil puno ng action. Ang ganda ng eksena na naglalaban sina Bong at Roi Vinzon, pampelikula ang datingan.

May video pa na kasama ni Bong sina Sanya Lopez, Benjie Paras, Michelle Dee, Miggs Cuaderno at Allen Dizon na nagpasalamat sa tumutok for one season sa Agimat ng Agila. 

Sabi ni Bong, may Book 2 ito at baka si Andrea Torres naman ang makakasama ni Bong.

RAYMART SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with