_pang-masa
^

Pang Movies

Robin, hinangaan sa pagtanggi sa pulitika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Robin, hinangaan sa pagtanggi sa pulitika
Robin

Tama naman ang desisyon ni Robin Padilla na tumanggi na ngang pumasok sa pulitika bago pa magkaroon ng pagkakataon ang ilan niyang kaibigan na kumbinsihin siya.

Marami naman siyang natulungan na, at marami pa siyang matutulungan on his own, hindi niya kailangan ang isang public office.

Ang tingin namin kay Robin, baka mas bagay sa kanya ang isang executive position, halimbawa ay governor o mayor, kasi makakatulong siya nang diretsahan sa kanyang mga nasasakupan, pero kung senador, malabo.

Una, hindi naman isang abogado si Robin, at hindi rin naman siya nahilig sa pag-aaral ng mga batas. Walang duda, maaari siyang manalong senador dahil sa kanyang popularidad at kung ang layunin lamang ng isang partido ay magkaroon ng kakampi, magandang ideya nga na patakbuhin nila si Robin. Kaso hindi nila iniisip ang bigat ng responsibilidad na ipapataw nila roon sa tao. Kaya mabuti at umatras na si Robin on his own.

Mas kahanga-hanga si Robin dahil alam niya kung ano ang dapat niyang kalagyan, kaysa naman doon sa mga todo ambisyon na aywan naman natin kung ano ang magagawa pagdating ng araw. Hindi kasi trabaho ng isang senador na magpamigay ng relief goods, magkaroon ng charity medical clinics at kung anu-ano pa. Ang trabaho ng isang senador ay gumawa ng batas.

May plano na rin palang mas tahimik na buhay si Robin. Plano niyang ipagbili na ang kanyang bahay na sa totoo lang ay napakalaki naman kasi, at pati na iyong puwesto raw na ginawa niyang museum.

Natatandaan namin noon ay naglagay pa siya ng isang Muslim school. Kung maibebenta na nga raw niya ang mga property na iyon, makapagsisimula na sila ng panibagong buhay sa abroad para mas may privacy sila at ang kanilang mga anak.

Kung dito nga naman sila sa Pilipinas, kahit na mag-retire na siya bilang artista at ang mga anak naman nila ni Mariel ay hindi mag-artista, uuriratin pa rin ang buhay nila dahil siya si Robin Padilla.

Kung ang gusto nga niya ay magkaroon na ng totoong privacy, mas maganda nga sa abroad na sila.

Sharmaine, nanawagang cage-free eggs ang bilhin

Natawag ang aming pansin ng isang panawagan sa post ng aktres na si Sharmaine Arnaiz na kumukumbinsi sa mga tao na bumili ng itlog na “cage-free,” ibig sabihin itlog ng mga manok na malayang nakakagala. Kadalasan ang tawag doon kung sa palengke ay “native.”

Medyo brown ang kulay ng balat, at kung titingnan ninyo, mas matingkad iyong pula ng itlog. Hindi rin siya gaanong malansa, at sinasabi nga mas masustansiya at hindi galing sa mga manok na ang kinakain ay puro feeds at tinurukan pa ng antibiotics.

Pero ang mahal ng itlog na cage-free, ang halaga ay tatlong doble halos ng karaniwang itlog.

Pero si Sharmaine kasi ay isang animal lover, palibhasa nga nag-aral siya at nakatapos ng veterinary medicine. Ang objections niya sa poultry, cruel daw sa mga manok. Iyon kasing mga manok sa poultry nakakulong sa mga masisikip na kulungan. Hindi na sila halos makakilos, dahil ang kailangan lang naman ay mangitlog sila, at kung hindi kakatayin na sila. Talagang kawawa ang kalagayan ng mga manok.

Mayroon silang samahan ngayon na nagsasabing para maiwasan na ang ganyang kalupitan sa mga manok, huwag nang bibili ng itlog nila, at ang bilhin ay iyon ngang cage-free. Pero sa hirap ng buhay ngayon, marami ang mga taong pasalamat na nga lang kung nakakabili pa ng itlog.

Male star na mahilig sa easy money, sa upscale mall rumaraket

Madalas na makitang nakaistambay ngayon sa isang upscale mall ang isang male star. Ang dami nga niyang naka-post na sa selfies mula sa mall na iyon. Bagama’t upscale, mayroon ding sikretong reputation ang mall na ‘yan. Nakaistambay riyan ang ilang male stars at starlets, at male models na may “kakaibang sideline.” Marami namang gays at matrona na diyan nagsa-shopping maging ng kanilang makaka-date.

Kaya basta pogi, at nakaistambay sa mall na iyon, malamang sa hindi suma-sideline.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with