_pang-masa
^

Pang Movies

Nagkomprontahan sa kanilang pera... Robin umamin na reyalidad ang tukso, Mariel naglabas ng galit!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nagkomprontahan sa kanilang pera... Robin umamin na reyalidad ang tukso, Mariel naglabas ng galit!

Sinabi na rin ni Robin Padilla na hindi siya interesado sa pulitika. Sa vlog ng misis niyang si Mariel Rodriguez ay sinagot nitong mas gusto pa nga niyang tumira sa abroad. “Maraming nangarap na maging pulitiko ako. Hindi mangyayari ‘yun. It’s not gonna happen. Ang gusto ko ay magkaroon ng tahimik na buhay ang mga anak ko. Ang pangarap ko nga diyan sa abroad  din eh,” sagot nito sa tanong ni Mariel kung anong nakikita niya in five years time sa kanila.

“Sana magkaroon tayo ng blessings. Kasi sa ngayon, imposible pa ‘yun eh,” sabi niya sa kanyang mga plano.

“Unless ibebenta ko ang museo o ibebenta mo itong bahay mo,” sabay tawa ng actor na sabi ni Mariel ay bigla siyang nagka-allergy.

Eh in 10 years time naman daw, ano na ang plano nila? Sagot uli ni Robin na nakasalalay sa blessings na ibibigay although marami raw silang puwedeng ibenta kung sakali na ikinalungkot ni Mariel na parang may dalang yantok o pamalo yata ‘yun.

So milagro na raw ba ang hinihintay nila sabi ni Mariel?

Natanong din si Robin ng misis tungkol sa sinabi nitong walang lalaki ang nakaka-resist sa tukso na ang nire-refer ay si Aljur Abrenica at Kylie.

Ayon kay Robin sinabi niya ‘yun base ‘yun sa mga naging experience niya, at hindi ngayong pangyayari.

Ang pagiging loyal daw kasi ay ginagawa nang tanungin siya ng misis kung masasabing past na ba talaga ‘yung hindi siya nakaka-resist sa tukso.

“Ang tukso realidad ‘yan,” sabi ni Robin.

So tinanong ni Mariel na sa 11 years na pagsasama nila natukso ba si Robin?

Pinayagan naman daw siya ni Mariel na kinatawa nito na ang tinutukoy ng actor ay nang mag-Russia sila kung saan habang nagsa-shopping daw si Mariel ay nakatingin pala sa maraming babae ang mister.

Nag-arnis pa si Mariel sa nasabing vlog na sabi nga ni Robin ay parang galit ang misis.

MARIEL RODRIGUEZ ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with