_pang-masa
^

Pang Movies

Juancho at Joyce, itinatago pa ang anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ayaw munang ipakita sa publiko ng mag-asawang Juancho Triviño at Joyce Pring ang bagong silang nilang anak. Wala namang sinabing matin­ding dahilan si Juancho sa kanyang interview. Pero desisyon nilang mag-asawa ‘yon.

Sa totoo lang, halos lahat ng celebrities na may bagong silang na anak ay nakalantad sa social media ngayon. Isinasama pa nila ang baby sa sarili nilang vlog, huh!

Malay natin, in due time ay masisilayan din natin ang anak nina Juancho at Joyce!

Julie Anne, bumalandra rin sa Times Square

Bumalandra sa mataong Times Square sa New York City ang mukha ni Julie Ann San Jose sa isang billboard na located sa syudad.

“WE MADE IT TO TIMES SQUARE, NEW YORK!!! Just SURREAL…Big thank you @spotify! This is a dream come true,” caption ni Julie Ann sa picture ng billboard foto niya sa Times Square. shooooleeeyyyy.”

Of course, isa lang si Julie Anne sa Kapuso artists na nagkaroon ng billboard sa Times St. sa New York. Kamakailan ay nakita rin sa isang billboard doon si Heart Evangelista!

JUANCHO TRIVIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with