^

Pang Movies

Rabiya, pipirma sa GMA?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rabiya, pipirma sa GMA?!
Rabiya

Natuwa ang ilang netizens na nakitang magkakasama the other day sa isang private dinner ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Bianca Umali at si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.  Tanong nila ay kung itutuloy na ni Rabiya ang pagpasok sa showbiz, ngayong matatapos na ang term niya dahil isasalin na niya ang korona niya sa mapipiling Miss Universe Philippines sa September 2021.

Matatandaan na bago umalis si Rabiya para sa Miss Universe pageant sa Miami, Florida ay napapanood na siyang mag-host.

Alice, maraming natutunan sa kulura ng muslim

Itinuring ni Alice Dixson na blessing sa kanya ang pagkasali niya bilang isa sa asawa ni Dennis Trillo sa family drama na Legal Wives sa GMA kasama sina Andrea Torres at Bianca Umali.  Inamin ni Alice na noong una ay hesitant pa siyang tanggapin ang offer dahil tungkol nga ito sa culture ng Muslim brothers, at kailangan daw nilang mag-shoot sa Mindanao. Pero dahil sa pandemic, hindi naman natuloy ang lock-in taping nila roon. “Pero nakita ko na big-budget ang show, at this show will also correct a lot of our misconceptions about our Muslim brothers,” say ni Alice. “May mga Muslim consultants kami at I learned so much about their culture.”

At during the lock-in taping nila, isinilang ang baby girl named Aura, by a surrogate mom in Canada, pagkatapos ng second lock-taping nila last February 14.  

Alice will play the role of Amirah na ang unang asawa ay ginampanan ni Alfred Vargas, nang mamatay ito, pinakasalan ni Dennis si Amirah na may anak na babae, played by Shayne Sava, StarStruck 7 Ultimate Winner.

The Clash, last day ng online audition

Last day na today, July 23, para sa online audition ng #TheClashSeason4, kaya iyong mga interesado ay may chance pa kayong mag-audition today. Kaya naman, excited na si Comedy Queen AiAi delas Alas na bumalik na from Las Vegas, para paghandaan ang pagsisimula ng singing competition na sila pa rin nina Lani Misalucha at Christian Bautista ang judges.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with