_pang-masa
^

Pang Movies

TIPMMG, walang pressure at stress

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
TIPMMG, walang pressure at stress

Now alam ko na, Salve, why I enjoy Take It… Per Minute Me Ganun.

Kasi nga, wala itong pressure, walang stress, walang rules, basta kuwentuhan lang kaming tatlo nina Cristy Fermin at Mr. Fu habang naka-air. May outline naman ng mga topic pero hindi nasusunod dahil kung saan-saan napupunta ang usapan.

 Hindi ito ‘yung usual show na takot ka baka hindi mag-rate, baka walang commercial na pumasok, na dapat sumunod ka sa script, na iwasan mo ang ganito at ganun, basta kampante lang kayo.

Guilty nga ako dahil tuwing sasabihin ko na sana watch n’yo ang TIPMMG every Tuesday at 12 to 1 sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, eh kahit isang episode ng program hindi ko pa napanood. Hahaha.

Hindi OA pero dahil nga bobo ako, hindi ako marunong manood sa Facebook, hindi ko alam ‘yung YouTube sa cellphone ko.

Kaya mula nang lumabas kami, hindi ko na alam hitsura ko, lalo na nang wala nang make-up artist kami nina Cristy. Eh si Mr. Fu lang marunong ng makeup na Nars pa gamit ha.

‘Yung feeling of freedom at enjoyment habang nag-uusap kaming tatlo, parang ang laki nang bagay para sa amin every week.

Honestly, siguro hindi ko na gugustuhin ang isang stressful na trabaho at this point in my life, siguro hindi ko na rin gusto ang isang show na magiging pressure sa amin. Tama na ang TIPMMG, tama na ‘yung pagsasama-sama namin once a week ng isang oras, maligaya na ako dun.

Hahaha.

Basta ang isang sure ako ang dami sa aming nanonood dahil ang dami-daming nagsasabi sa akin na na-enjoy nila ang Take it... Per Minute, Me Ganon!? at ito ang nagiging happy pill nila tuwing Martes ng tanghali.

Salamat sa inyong lahat. Mwah.

CRISTY FERMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with