_pang-masa
^

Pang Movies

Marian, bagong ­rewind queen!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, bagong ­rewind queen!

Matagal-tagal na rin fur parent din si Ma­rian Rivera. Pero hindi ito aso kundi isang pusa, huh!

Pinangalanang George ang nasabing pusa at siyem­pre, may foreign breed ‘yon kung makikita ninyo ito sa posts ni Yan sa kanyang Instagram.

Anyway, hindi lang sa GMA Tele­babad mapapanood ang isang dating series ni Marian dahil ang ginawa niyang Temptation of Wife na pinagsamahan nila nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro ay sa Heart of Asia channel naman ng GMA isasalang, huh!

Hay, puwede na ring bansagan si Yan bilang bagong Rewind Queen dahil dalawang old series niya ang mapapanood sa GMA channels – GMA Network at Heart of Asia at matataas ang rating ha.

Joey, aprubado ang pagtakbo ni Sen. Tito

Maagap na nag-post si Joey de Leon ng memes na nakalabas sa social media nang ihayag nina Senator Ping Lason at Senate President Tito Sotto na kakandidato sila bilang President at Vice President sa 2022 elections.

Kaibigan ni Joey si Tito Sen (tawag kay Sen. Sotto) kaya naman senyales ito ng pag-apruba ni Joey sa kandidatura ng kaibigang Senate President.

Tanging sina Lacson at Sotto pa lang ang naging matapang na maglabas ng desisyon sa 2022 eleksyon. ‘Yung iba eh bahag pa ang buntot sa kandidatura, huh!

Naku, once mag-file ng candidacy si Sen. Tito, simula na ‘yan ng pagtulong ng Eat Bulaga at EB Dabarkads sa kandidatura ng isa sa pillar hosts ng noontime show whether they like it or not!

MA­RIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with