^

Pang Movies

Sarah at Richard, ni-remake ang eksena sa CLOY

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah at Richard, ni-remake ang eksena sa CLOY
Sarah at Richard

Kinilig ang netizens sa panggagaya ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Korean stars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin ng Crash Landing On You.

Kasalukuyang nasa Switzerland nga­yon sina Sarah at Richard at binisita nila ang isang location kung saan kinunan ang mga ilan sa magagandang scenes sa CLOY.

“Sometimes the wrong train takes you to the right direction…” literally got lost many times today trying to look for this breathtaking place  Chard had no choice but to tag along in making my CLOY dream come true! 
we finally found this place,” ang caption ni Sarah.

Ang naturang lugar ay ang breathtaking Lake Brienz sa Switzerland kung saan kinunan ang piano scene ni Hyun Bin sa CLOY.

Pati ang kapatid ni Chard na si Ruffa Gutierrez ay nainggit at nagkomento ng “Wow!!! I wanna go!!!”

Nasa Switzerland ngayon sina Sarah at Richard kasama ang dalawang anak para bisitahin ang ama ng aktres na matagal na niyang hindi nakikita dahil sa pandemic. Sinamantala na rin nila ang pagkakataon para makapamasyal at makapaglibot sila sa nasabing bansa.

Nagpakilig...

Positibo naman ang reaksyon ng netizens sa paglalantad nina Dominic Roque at Bea Alonzo ng kanilang relasyon sa pamamagitan nga ng video na ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram Story noong July 20 na kaarawan niya.

Makikita sa video na magkasama sina Bea at Dominic in celebrating the actor’s birthday party sa California. Of course, ano pa nga ba ang gusto nilang ipahiwatig kundi sila na nga’t kitang-kita rin naman sa kilos nila na may relasyon talaga sila.

Needless to say, kinilig nang bonggang bongga ang kanilang fans dahil ang matagal na nilang inaabangang paglantad ng dalawa ay nangyari na.

Masayang-masaya rin ang fans ni Bea sa nakikita nilang happiness ngayon ng aktres at wish nila ay huwag nang umiyak pa ang kanilang idolo at si Dom na ang “the one.”

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with