^

Pang Movies

Kris, ‘di nagtatanim ng sama ng loob

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris, �di nagtatanim ng sama ng loob
Kris

‘Pag nag-run as senator si Kris Aquino iboboto ko. Senador dapat ha hindi local position dahil solid Mayor  Joy Belmonte ako.

Aside from matalino siya, at siguro after niyang makita ‘yung pagiging Presidente nina Tita Cory at PNoy, malaki na rin ang experience niya as a politician.

People person si Kris, meron siyang magnet sa tao, either you like her or hate her.

At isang bagay naman na gusto ko sa kanya ay ‘yung hindi siya nagtatanim ng sama ng loob, erratic nga siya, minsan maganda ang mood, minsan bad. Pero kahit ano pang sabihin o gawin mo, parang hindi mabigat ang pagdadala niya, now hindi ka kakausapin, mamaya lovey dovey na uli kayo.

So dapat din ganun ka sa kanya, don’t take her too seriously, huwag mong masyadong ikatampo ang moods niya, o kaya bigyan ng sobrang malisya ang attitude niya. Basta what you see, is what you get. ‘Pag bad mood siya, tahimik ka, ‘pag sweet siya, sweet ka rin.

Pero tiyak ako ‘pag nasa puwesto si Kris hindi siya aabuso, kasi nakita ko iyon nung panahon ng nanay at kapatid niya. Sumusunod siya sa batas, hindi nanghihingi ng favor.

At siguro, very fun ang senado pag nandun na si Kris, sure ako.

At nakita namin ang pagiging charming ni Kris ngayong birthday ni Cristy Fermin. Hindi siya nakalimot, binati at nagpadala ng konting regalo pati sa staff ng Take It… Per Minute Me Ganun.

Katuwa naman na bukas din ang puso ni Cristy sa pagri-reach out ni Kris. Ang sarap ng lechon at chamisua, birthday noodles ng mga Chinese, at agawan tayo sa GC hah hah hah. Bongga talaga si Kris mag-surprise, puno ng drama, kaya hindi mo rin magawang magtanim ng galit sa kanya.

Kaya looking forward ako sa totoong balak niya sa eleksyon, kasi kung tatakbo siya, iboboto ko siya talaga, hindi ko lang maipangako sa kanya kung meron siyang ihingi ng suporta, siyempre iba naman iyon.

Pero kung si Kris Aquino mismo, she will have my vote, promise. Kaya lang huwag sanang mayor ng Quezon City, dahil Mayor Joy ako forever hah hah, at alam iyan ni Kris dahil nasabi ko na sa kanya. Ibang posisyon, all out ako sa kanya.

Hanggang ngayon umaandar pa rin ang charm niya, at sana nga, walang kupas ang charm niya na iyon forever. 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with