^

Pang Movies

Bea bitbit na ni Dominic sa kanyang pamilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bea bitbit na ni Dominic sa kanyang pamilya
Bea

Hindi na mga “heart emoji” sa kanilang posts ang batayan. Ngayon ay lantaran na ipinakilala na ni Dominic Roque si Bea Alonzo sa kanyang kapa­milya sa Amerika. Dinala ni Dominic si Bea sa baby shower ng kanyang tiyahing si Beth Tamayo.

Siguro sa ibang mga lahi ok lang iyan, dahil party  at nagkataong magkasama sila, pero para sa mga Pilipino ang ganyang klase ng family gathering, hindi mo isinasama ang isang tao na hindi mo itinuturing na bahagi ng pamilya.
Kaya nga wala mang opisyal na pag-amin, naniniwala na kami ngayong magsyota na nga sina Bea at Dominic. Maliwanag na naka-move on na si Bea. May kapalit na rin si Gerald Anderson.
Pero ang usapan nga ng mga “mema,” tumagilid daw ang career ni Gerald dahil naging negative ang dating sa pinakatagu-tago pa nila noong una na relasyon nila ni Julia Barretto hanggang ‘di na mailihim kaya naglantad na.

Sa parte naman ni Bea, ang sabi nila “movie queen” si Bea, pero ang syota niya ngayon ay isang “male starlet” at si Dominic ay nasa ABS-CBN pa. Kaya ang kanilang affair ay “hindi pakikinabangan.”
Kahit kailan naman hindi naging magka-love team sina Bea at Dominic kahit na magkasama pa sila noon sa ABS-CBN, dahil sabi nga hindi sila magka-level kung popularidad ang pag-uusapan.

Iba ito sa kaso nina Gerald at Julia na nagkasama sa pelikula.

Interview ni Kier, inaabangan

Ano kaya ang sasabihin ni Kier Legaspi na gusto na rin daw magpa-interview dahil sa lumabas na statement ng kanyang anak na si Dani Barretto, na nagsabing hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng tamang relasyon sa tatay niya. Sinabi pa ni Dani na hindi niya naranasan na makasama ang tatay niya kung birthday niya, graduation o iba pang okasyon na normally kasama  ng isang bata ang mga magulang niya.
Hindi rin naman namin maintindihan kung bakit pumasok pa ang ganoong usapan eh maliwanag naman na ang dahilan lang ng interview ay para sa ineendorso niyang lipo suction na ginawa sa kanya ng isang derma clinic.

Bago pa man siya ipinanganak ni Marjorie, nag-split na sila noon ni Kier. At hindi nagtagal naging asawa ni Marjorie si Dennis Padilla, kaya itsa-pwera na si Kier agad. Pero mas mabuti nga siguro si Kier na ang magpaliwanag sa hindi nila pagkikibuan ng anak sa loob ng pitong taon.

TV network exec, sinalo ang mga problema

Awang-awa ang iba sa isang TV network executive. Kasi hindi siya nagkaroon ng pagkakataong patunayan ang sarili niya, ang minana na lang niya ay problema. Ang masakit pa nga, may nagsasabing “malas” siya dahil simula raw nang pumasok siya, wala nang nangyari sa network.

Pero parang mali naman iyon dahil nang pumasok siya talagang mabigat na ang problema, mabuti nga at pinangatawanan pa niya ang pananagutan ng mga da­ting namuno sa kanilang network. Nagawa pa niyang saluhin ang mga problema kahit na tagilid na.
Ngayon, totoo kayang hindi niya nakukuha ang tamang suweldo dahil wala nang kinikita ang kanilang network.

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with