^

Pang Movies

Dennis, pinag-aralan ang mga atake ng maranaw

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis, pinag-aralan ang mga atake ng maranaw
Dennis

Itinulad ng bida ng upcoming GMA family drama series na Legal Wives na si Dennis Trillo, na para silang nag-aaral gabi-gabi ng Mranaw words na nasa script, na mine-memorize nila habang naka-lock-in taping sila. Binigyan daw naman sila ng production ng consultants para tanungin nila kung ano ang tamang gawin sa isang eksena at kung paano nila bibigkasin nang tama ang Mranaw words.

Kaya si Dennis kapag may mahahaba raw siyang lines sa shoot niya kinabukasan, gabi pa lamang bago matulog binabasa at pinag-aaralan na niya ang script at paggising niya sa umaga, muli niyang babasahin ito para hindi niya malimutan.

Gagampanan ni Dennis ang role ng isang Mranaw royalty, si Ismael Makadatu, na ibig sabihin ay hearer of God, kaya sinusunod niya ang kanilang religion. Si Dennis, masaya dahil marami siyang natutunan sa Islam culture na kailangang sundin ng bawat isa. Nasa kultura nila ang pwedeng magkaroon ng maraming asawa, kaya naman tatlo nga ang mga asawa niya, na lahat ay legal.

Thankful naman si Andrea Torres sa pagdating ng offer na isa siya sa gaganap na legal wives. Para kay Andrea, right timing ang pagdating nito dahil hindi naman lingid sa atin na may pinagdaraanan siya, at nawala iyon dahil naging busy siya at natulungan siya nito para maka-move-on.

Isa rin ito sa projects na kasama na sa bagong contract niya sa GMA Network, matapos niyang mag-renew ng isang five-year contract. First time pala niyang makatrabaho si Dennis na inamin niyang dream leading man niya. “Kaya nang magsisimula na kaming mag-taping, sabi ko, baka hindi ako makaarteng mabuti dahil nai-starstruck ako sa kanya,” kuwento ni Andrea. “Pero sobrang bait pala niya, very simple, nakaupo lang while waiting for the take. Never ko siya nakitang nagalit at salamat na okey agad ang first scene namin together.”

Ang dalawa pang legal wives ni Dennis ay sina Alice Dixson at Bianca Umali.

Sa Monday, July 26 na mapapanood ang world premiere nito na dinirek ni Zig Dulay, pagkatapos ng The World Between Us.

KC, ‘di pa rin nilalantad si Apl.de.Ap

Wala pang pino-post si KC Concepcion na photo na kasama niya si Apl.de.Ap o si Piolo Pascual, tulad ng ine-expect ng fans nila, ngayong nasa Los Angeles, California siya. Wala rin siyang balita kung nagkita na sila ng inang si Sharon Cuneta.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with