^

Pang Movies

Christopher, ang bilis umoo para sa kampanya ng bakuna

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Christopher, ang bilis umoo para sa kampanya ng bakuna
Christopher

Alam mo ba Salve na ang Villar Group of Companies, talagang gusto na lahat ng employees nila mabakunahan? Pero marami pa rin ang ayaw maniwala sa bakuna kaya halos every week meron silang webinar na tinatawag kung saan ini-invite nila ang taga-DOH, kilalang ­personalities na may alam tungkol sa bakuna, at ngayon pati celebrity na nagkaroon ng covid-19 at gumaling at may bakuna na, nag-imbita na rin sila. Open naman si Christopher de Leon na siya ang unang celebrity na tinamaan ng COVID-19 at talagang naniniwala siya sa bisa ng bakuna.

Kaya hindi nagdalawang-isip si Christopher nang imbitahin siya ni Avec Amarillo para magsalita sa mga empleyado ng Villar Group na binubuo ng mga barista, labor group ng construction, at dun sa mga ayaw magpa-bakuna.

Siyempre nga naman, mismong si Cong. Camille Villar ay talagang sinusuyod ang Las Pinas para mabakunahan lahat, kaya mas lalo siguro niyang gusto na iyong employees nila talagang vaccinated lahat.

Ikinwento talaga ni Christopher ang mga hirap na dinanas niya sa covid at kung bakit kailangan talaga na may bakuna tayo.

Sana marami siyang makumbinse at sana maging tagumpay ang kampanya na maging bakunado ang lahat.

Crowd sa supermarket, parang ‘di na pandemic

Kaloka parang disoriented ako nang magpunta sa supermarket last Sunday. Para bang may bago na naman quarantine sa rami nang mga grocery items na binibili ng mga customer. Para bang nagho-hoarding na naman dahil puno ang mga cart ng bawat bumibili.

Nagulat ako dahil bukod sa tambak na pinamimili, maraming tao sa supermarket. Talagang para tuloy, ang daming pera ng mga tao.

Good sign ito. Pero sabi nga nila usually talaga ang mga food business hindi puwedeng mawala dahil ito talaga ang pinaka-basic na kailangan ng tao.

Hay naku, minsan lang ako pumasok sa supermarket para bang ang saya-saya ko dahil nakita ko how people are coping up after 19 months na nating scared sa covid-19 na ngayon meron na naman mga bagong variants.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with